Kabanata 1

338 29 0
                                    


Kabanata 1: Libro

TREXIE DIAMANTE


I slowly opened my eyes because of the sunlight that directly pointed in to my eyes. I yawned and sitted at my bed with my listless eyes. Napahawak nalang ako sa braso ko ng mapansing umiinit ito at pinagpawisan ako.

I tried to stand to see my surroundings but I stop midway when I noticed something in my neck. Hinawakan ko ito at naramdamang isa itong malamig na bagay na nakaikot sa buong leeg ko. Ngayon ko lang din napansin na nakasuot ako ng kakaibang uri ng damit at wala akong suot na sapatos o tsinelas.

"Gising na ang bilanggo, Heneral!" malakas na sigaw ng isang lalaki. May biglang lumapit sa kanya na grupo ng mga lalaki na nakasuot ng uniporme na kulay itim na may pinaghalong puti.

Inangat ko ang paningin ko sa kanila at isa-isa silang pinagmasdan. Nasa apat na bilang sila at agaw pansin ang malalaki nilang tyan at weirdong mukha.

"Kung sana ay sumuko ka nalang agad, hindi na sana hahantong sa ganito ang nangyari sa iyo." wika ng isa sa kanila.

"H-ha?" halos hindi ko marinig ang sarili kong boses dahil sa panghihina.

"Ano sa tingin mo ang magandang parusang nararapat sa iyo? Ipatapon sa bangin o ipakain sa halimaw?" nakangising dagdag nya. Kumunot ang noo ko at gusto magsalita ngunit hindi ko magawa dahil parang naubusan ng tubig ang lalamunan ko.

"Hindi sya makapagsalita!" Malakas syang tumawa na sinundan naman ng mga kasamahan nya. "Pinapaligaya mo talaga ako sa bawat galaw mo, sayang nga lang at hindi ka na magtatagal."

May biglang lumapit sa kanyang kasamahan nya at bumulong. Nakita ko ang pagbago ng mukha nya at naging seryoso. Muli nya akong sinamaan ng tingin bago umalis kasama ang mga nakasunod sa kanya. Nagtaka ako ng ang isa sa kasamahan nya ay nanatiling nakatayo sa harap ko at nakatingin lang sa akin.

Sinubukan kong magsalita ngunit mga ungol lang ang naririnig ko.

"Masasaktan ka lang kapag pinilit mong magsalita. Hindi gagana 'yan. Makinig ka lang at huwag ng magmalakas. Ang araw na ito ang huling araw na masasaksihan mo, ang immortal na katulad mo ay delikado sa mundong ito at hindi nararapat na mabuhay. Marami kang napaslang kaya buhay mo ang ipambabayad. Sana ay tanggapin mo ang kapalaran mo at huwag ng gumawa ng bagay na ikakasakit ng ulo namin." diritso nyang sabi. Napamaang ako at ilang beses na kumurap.

Ayos lang ba s'ya?  Wala akong maintindihan sa sinasabi nya. Nabagok ba utak nya?

Bumuntong-hininga sya at may kinuha sa bulsa nya. Inilahad nya ang bote na may lamang tubig at isang tinapay na may kagat na. Tiningnan ko sya.

Napahawak sya sa batok nya. "Kainin mo yan, huwag kang mag-inarte. Aksidente ko lang nakagatan 'yan at iyan nalang ang panghuli." tumalikod sya at naglakad papaalis.

I'm Stuck At Year 1870! Where stories live. Discover now