Kabanta 11

72 12 2
                                    


TREXIE DIAMANTE

Napaupo ako sa kama at agad hinawakan ang leeg.

"I'm still alive?" bulong ko sa sarili.

Inilibot ko ang paningin sa loob ng silid. Andito pala ako sa aking silid.  Dumako ang paningin ko sa batang lalaki na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Si Achim.

"Anong oras na?" tumayo ako para kunin ang cellphone sa aparador kung saan ito nakatago.

Bahagya akong nagulat ng sa paghahanap sa aking cellphone ay iba ang nakita ko.

Ang libro.

"Bakit nandito 'to?" takang bulong ko. "This was the book of Queen AG."

The I'm stuck at year 1870.

I opened the first page of the book and saw a picture of a traditional houses of the Philippines. I started to read out the written story here and got shocked.

Ang mga narito ay ang mga nangyari sa akin dito.

I don't remember writing a diary noong nagsimula na ako dito. Ngunit mas lalo akong nagulat ng mabasa ang pinag-usapan namin ni Queen bago ako mapunta rito sa lugar na ito. Tila bumalik ang mga memorya ko na hindi ko maalala, kasama na doon ang pag-uusap namin ni Queen.

Mabilis kong tiningnan ang huling pahina dahil sa sinabi ni Queen na clue.

Conception Buenoventura
Salvacion Delos Reyes

"Buenoventura? Diba apilyedo iyon ni Achim?" bulong ko sa sarili. Napahawak ako sa chin habang sinasabi iyon.

"Apilyedo ko nga ang Buenoventura, Binibini."

Naisara ko kaagad ang libro at itinago yon sa likod ko. Humarap ako kay Achim na hindi ko alam na gising na pala.

"Kamusta ang pakiramdam mo binibini? May masakit pa ba sa iyo?"

Nakangiti akong umiling sa kanya.  "Ayos na ako, wala kang dapat ipag-alala."

"Kung ganun ay mabuti. Lalabas muna ako at ipapahanda ang almusal natin ngayong umaga." Ani niya bago lumabas.

Napahinga ako ng maluwag at kinuha ulit ang libro. Ini-lock ko din ang pinto para masigurong hindi ako maabala.

Anong gagawin ko kay Conception at Salvacion? Ito ba ang misyon na dapat kong gampanan dito?

Wala akong ideya kong ano ang gagawin ko dito lalo na ng nabasa ko ang pangalan ng dalawang Binibini. Gustuhin ko mang tapusin agad ang misyon ko, ngunit hindi ko magawa dahil pangalan lang nila ang nakalagay sa clue na ibinigay ni Queen.

Isang Buenoventura at Delos Reyes. Ayon sa sinabi ni Heneral, isa sa mayayamang pamilya ang mga Buenoventura at hindi na ako dapat pang magtaka, dahil isang Buenoventura din ang Heneral. Siguro naman pwede kong tanungin si Achim tungkol dito kay Conception. Sigurado akong kilala niya ito dahil isa ding Buenoventura ang batang iyon.

Ang po-problemahin ko nalang ay si Salvacion Delos Reyes. Wala akong kilalang Delos Reyes dito dahil hindi naman ako lumalabas at nakikipaghalubilo sa ibang Binibini.

"Binibining Trexie? Nariyan ka ba?" napahinto ako sa pag-iisip ng marinig ang boses ni Achim sa labas ng pinto.

Dali-dali kong binalik sa aparador ang libro at binuksan ang pintuan.

"Bakit hindi ka pa nakapagbihis binibini?"

"Ehhh? Kailangan ko pa palang magbihis?" takang tanong ko.

Bumuntong-hininga si Achim. "Binibini, kakain tayo ngayon kasama ang Heneral at kailangan nakasuot ka ng pormal na kasuotan." napameywang siya. "At hindi kapa naliligo o inaayos man lang ang sarili mo."

I'm Stuck At Year 1870! Where stories live. Discover now