Kabanata 8

151 20 6
                                    

Kabanata Walo

(A/N) Magandang Buhay! Hindi ko alam kong may nagbabasa ba nito, pero ito.

Maraming salamat po dahil nakarating ka sa kabanatang ito na hindi ko inaakala na magagawa ko pala pero lubos akong nagpapasalamat dahil sa taos pusong suporta nyo.

---------------------------------------------------------------------

TREXIE DIAMANTE

Ang bigat ng pakiramdam ko para akong nadaganan ng mabigat na bagay dahil hindi ko maigalaw ang katawan ko. Andito parin ako sa kama at hindi pa bumabangon dahil antok na antok pa talaga ako.

Hindi ko alam kong anong oras na basta inaantok pa ako at wala akong balak imulat ang mga mata ko. Mas mabuti siguro kung manatili muna akong ganito pero naaalimongawan talaga ako sa bigat.

Pinagpapawisan pa ako dahil sa suot ko at sa mga telang nakatabon sa akin habang natutulog.

"Tiktilaooook... Tiktilaooook... Tiktilaoook"

Punyeta bat may manok!?

"Tiktilaooook... Tikatilaoook... Tikatilaoook"

Totoong manok ba tong maingay!?

"Tiktilaooook... Tiktilaooook... Tiktilaoook"

Kaasar totoong manok nga! Pag ako makatayo dito, sasabawan ko talaga kayo!

"Tiktilaoook... Tiktilaooook... Tiktilaoook"

Wala bang pwede'ng magpatahimik nato!? Kaina pato kakasigaw ah!

"Tiktilaooook... Tiktilaooook... Tiktilaooook"

Hindi na talaga ako makakatulog nito! Inis kong dinilat ang mata ko at akmang babangon ngunit natigilan ako ng makaramdam ng bigat sa bandang bewang ko.

Sinubukan ko itong kapkain at nanlaki ang mata ko ng makahawak ako ng ulo! Ulo ng tao! Gago may multo ba sa kwartong ito!?

Dahan-dahan akong lumingon dito at ganun nalang ang pagbalikwas ko ng bangon ng may  tao ngang nakahiga sa bewang ko na ginawang unan!

"Aaaaahhhh sino kaaaa!?" Napatayo ako at tinabon ang kumot sa katawan ko kahit balot na balot ako habang nakaturo ang daliri sa tao.

Bumangon ito at kinamot pa ang mata habang nakapuot.

Hinay-hinay ko itong nilapitan ng makitang isang batang lalaki ang narito.

"Huy sino ka uy?" tanong ko ulit dito ngunit humikab lang sya at bumalik pagkahiga.

"Abaaa abaaa ano't dyan ka natutulog? Kwarto ko to at bawal ka dito! Kahit bata ka abaaa papatulan kita uy!"

I'm Stuck At Year 1870! Where stories live. Discover now