Kabanata 2

216 20 2
                                    

Kabanata Dalawa

TREXIE DIAMANTE


Humikab ako at bumangon sa kama ko para bumaba para magbreakfast. "Goodmorning Dad" bati ko sa ama kong umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.

As usual, nagsimula na akong kumain mag-isa dahil hindi naman kumakain ng sabay si Dad sa akin. Nasanay na akong nandyan lang sya sa lamesa pero hindi kumakain.

"Dress up later, we'll going on a birthday party" hindi nakatingin sabi ni Dad.

"Oh really? Where is it?"

"At Melissa's Mansion"

"Who is she?" I curiously asked.

"An old friend of mine" tumango nalang ako at binilisan ang pagkain. "Anyway, I already transfered money to your bank, you can buy some dress later"

"D-dad, I don't need mone—"

"Just keep it" he cut me off.

Yumuko ako at pinagpatuloy ang pagkain. Binalot kami ng katahimikan at tanging tunog lang ng kubyertos ang naririnig sa buong dining area. Kahit ang mga maid namin ay hindi gumawa ng ingay habang naglilinis sa ibang parte ng bahay.

Hindi ko masabi kay Dad na hindi ko na kailangan ng pera nya dahil for some reasons, I have my own money, a huge amount of money na hindi ko alam kong saan galing but it is named after my name. I even have the passcode for it.

But I can say na hindi ako ang nag-ipon niyon. Dahil kahit ako hindi alam kong pano nangyari yon. May isang araw lang na ma tumawag sa akin sa banko at sinabi ang amount ng pera ko daw doon. I was so shocked that time at nanginginig at the same time. Wala pa akong trabaho para kumita ng ganong halaga ng pera and I think even Dad can't surpass my money.  Hindi pa alam ni Dad to at wala pa akong balak sabihin sa kanya. Things are complicated.

"Hindi ka ba kakain dad?" I asked. We're facing the table with foods yet his reading his newspaper.

"Later" he took his coffee.

"But dad, nasa harap ta—"

"I said later, Trexie" he cut me off with glares. It made me flinched so I silently continue my breakfast. Lagi namang ganito kaya nasanay na ako.

Pagkatapos kong kumain, dali dali akong umakyat sa kwarto ko at tinawagan si Katana "Wala akong pera" I chuckled to her quick response.

"I'll give you some" pinipigilan kong tumawa ng malakas para hindi sya maasar.

"Hmm ang yabang!" bulong nya pa. "So what's your business with me ha?" Tanong nya.

"My dad's friend invites us to a party, I wanna buy new dress, wanna come?"

"Oh great! Tamang tama may party din akong dadaluhan mamaya! Sabay nalang tayo!" masiglang sabi nya. She can't resist my request. She's my friend and I know na sobrang hilig nya mag-shopping. Minsan nga napagkakamalan nakong personal assistant nya for carrying her other branded clothes!

Hindi nagtagal sumapit ang alas dose ng hapon at patungo na kami ng driver ko sa mall. I always have a driver since my dad won't allow me to drive myself. He got trauma with my Mom's accident years ago.

"Omggg mabuti nalang talaga nagremind kang magshopping cuz wala na talaga akong masuot!" napairap nalang ako sa sinabi ni Katana.

I'm Stuck At Year 1870! जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें