Kabanata 12

62 12 2
                                    


TREXIE DIAMANTE

Inis akong tumayo at inirapan ang mayordoma ng nakatalikod na siya sa akin. Limang stick lang ang binibitbit ko dahil hindi ako sanay sa mabibigat. Pero kahit tig-limang stick lang ang bitbit ko , napapagod parin ako dahil pabalik-balik akong naghahakot ng kahoy.

Napairap ako sa kawalan at pumunta sa kabilang side ng kusina. Nasa isang pinto lang ang lutuan at hugasan dahil malaki naman ang espasyo ng kusina. Sa gitna nito ay may mahabang lamesa kong saan kumakain ang mga katulong, kabilang na ako.

Nagsimula na akong maghugas. Nakakairita ng sobra si Luciano Timothy. Pinanindigan niya talagang maging katulong ako. Sa unang araw, ang una kong ginawa ay manghugas ng pinggan, and guess what? Malapit ko ng maubos ang mga pinggan at baso dahil lagi itong nakakawala sa kamay ko.

It's not my fault ha, dahil iyon sa bula na nasa kamay ko, nagiging madulas kaya mahirap hawakan lalo na ang plato.

*plakkkk*

"Aaaaay!" napaatras ako ng mahulugan ako na naman ako ng bildong plato.

"Naku Trexie! Pang anim na platong nabasag mo na yan ngayong araw! Bakit ba hindi ka natututo?!" inis na sigaw sa akin ng isang katulong.

Simula ng bumalik ang Heneral, bigla nalang nagsulputan ang mga bagong katulong at kasama na doon ang mayordoma. Nang maitanong ko kay Ligaya kong bago ba sila , ang sagot naman ay sila daw ang unang katulong dito sa mansion ni Heneral.

May day-off daw kasi sila dito. Ang taray!

"Ehhh sorr---- este pasensya na , hindi ko sinasadya." puot ko.

"Hay Dios ko! Kababae mong tao simpleng panghugas ng pinggan hindi ka marunong?! Nagmula ka ba sa ibang planeta?!" sigaw niya.

Nakayuko lang ako habang nagbubulungan ang ibang mga katulong.

"Wala na talagang alam gawin ang babaeng iyan kundi basagin ang lahat ng mga gamit!"

"Kaya nga eh, mukhang hindi babae!"

"Hindi ba siya naturuan ng magulang niyang gumawa ng gawaing bahay? Naku! Napaka iresponsable naman!"

I swallowed hard. "P-pasensya na po, s-sanggol pa lamang a-ako ng mamatay ang ina ko" I bit my lower lip to hold my cracking voice.

"Tsk! Hindi ko na problema iyan! Bilisan mo dyan at marami ka pang gagawin!"

Sumunod naman ako at nilinis ang bubog na nahulog. Nasugatan pa ang kamay ko at mabilis na umagos ang dugo. Pinahidan ko ito at sinubo, ito lang kasi ang alam kong makakagamot dito. Natigilan ako ng may tumulong dugo sa sahig. Napahawak ako sa noo ko at napa-aray. May dugo rin. Mabilis ko itong pinahidan at ininda ang kirot.

Nagsimula muli ako maghugas. Mahigpit at mabagal ang bawat hawak ko sa pinggan. Ayaw ko na kasing mabiyakan, lagi akong napapagalitan.

Nakakairita talaga!

"Finally, I'm done!" I stretched my body and lie-down at my bed.

Pinikit ko ang mata ko at dinama ang bango ng unan ko. Maya-maya pa ay tumayo ako para maligo. Pagkatapos kong maligo, nagsuot ako ng pormal na damit at inayos ang buhok ko. Lumabas ako ng bahay at dumiritso sa hardin.

Lately ko lang nalaman na may garden pala dito. Maraming bulaklak dito at may mga puno rin. Dito ako minsan nagpapahinga kapag natatapos ako sa trabaho. May duyan kasing nakasabit dito kaya nagawa ko na talagang tambayan to.

Natigilan ako ng nakarinig ako ng bakas ng kabayo. Lumingon ako sa pinanggalingan nito at nakitang marami ang mga kabayong mukhang nagparada sa dami nila. Huminto silang lahat sa harap ng bahay ni Luciano.

I'm Stuck At Year 1870! Where stories live. Discover now