Kabanta 10

67 11 1
                                    

Kabanata sampu

ACHIM BUENOVENTURA

Napatingin ako sa labas ng bintana habang hinihintay ang pagdating ni Binibining Trexie. Napatingin ako sa damit na tinahi niya dahil sa ganda nito.

Hindi na ako makapaghintay na maisuot niya na ang ginawang kasuotan. Ngayon ko palang ito nakita at talagang kakaibang-kakaiba sa mga kasuotang makikita sa ibang binibini.

Kulay ginto at hapit na hapit sa bewang. Mataas ito na umaabot sa paa. Kahit kakaiba ang porma, makikita mo paring pormal ito at nararapat tawaging kasuotan. Hindi ko mawari kong saan natutunan ng binibini ang ganitong porma, pero ng makita ko syang ginagawa iyon, mukhang hindi man lang ito nahirapan at nawiwili pa sa kaniyang ginagawa.

"Achim, tawagin mo manggagamot ng iyong pamilya!" napatalon ako sa gulat ng biglang pumasok sa loob ng silid ang pinsan kong Heneral na karga-karga ang walang malay na Binibining Trexie.

"Anong nangyari sa binibini? Bakit namumutla yan?" hindi ko mapigilang tumaas ang boses ko dahil sa gulat.

"Mamaya ko na ipapaliwanag. Tawagin mo na ang manggagamot!" mas malakas na sigaw niya.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad akong lumabas ng silid at tinawag ang mga katulong.

"Pumunta kayong lahat sa kwarto ng binibini ngayon din!" Malakas na sigaw ko at dumiritso palabas ng mansyon.

Sinalubong naman agad ako ng gwarda-sibil at yumuko, "Ihanda ang karwahe!"

"Masusunod, Ginoo!"

Nagsitakbuhan sila at lumapit sa akin ang kanang-kamay ng Heneral. Isinuot niya sa akin ang dyaket na may tanda na myembro ng pamilya ng Heneral.

Sumakay agad ako sa karwahe at itinuro ang bahay ng aming mangagamot. Nang makuha na namin ang manggagamot, mas pinabilisan ko pa ang takbo ng kabayo para mas mapabilis ang paggamot sa binibini.

Halos hindi ako mapakali dahil hindi pa lumalabas ang manggagamot sa silid ni Binibining Trexie.

"Bakit ang tagal?" aligaga kong tanong.

"Ginoo, huminahon lang ho kayo. Magiging maayos rin ang binibini. Malakas po siya, magtiwala lang po kayo." napalingon ako sa biglang nagsalita. Isang utusan ngunit hindi ko batid ang pangalan.

Tumango nalang ako dito at nagpaikot-ikot sa harap ng pinto. Biglang bumukas ang pinto kaya umayos ako ng tayo.

"Kumusta ang binibini?" tanong ko agad sa manggagamot.

"Wala na ho'ng problema, Ginoo. Nahimatay lang ang binibini dahil sa pagod at sobrang pinagdaramdam." kumunot ang noo ko sa huling sinabi nya.

"Anong ibig mong sabihin sa sobrang pagdaramdam?"

"Ayon sa aking pag-aaral, nahimatay ang binibini dahil sa tensyon na kaniyang nararamdam at nawalan siya ng hangin dahil doon." malumanay akong napatango at nag-iwas ng tingin.

"Kung wala na po kayong tanong, maaari nyo na pong puntahan ang binibini. Panatiliin niyo lang po ang binibini na malusog at nakakalanghap ng preskong hangin." umalis na ang manggagamot kaya pumasok na din ako sa loob ng silid.

Napatingin ako sa mukha ng binibini at wala sa sariling napangiti ng maalala ang una naming pagkikita.

Nagtatago ako sa taas ng puno dahil maraming mga gwarda sibil ang naghahanap sa akin ng aksidente kong nakita ang binibini na nakaupo sa bintana. Nagulat pa ako non at akmang susuwayin siya ngunit natigilan din ako ng makitang nasa mansion siya ng pinsan kong Heneral.

I'm Stuck At Year 1870! Where stories live. Discover now