Kabanata 7

136 15 3
                                    

Kabanata Pito

TREXIE DIAMANTE

I slowly open my vision and a white cell greeted me.

"Nakabalik na ba ako?"

Inilibot ko ang paningin ko at ganun nalang ang saya ko ng makita ang disenyo ng kwartong ito. Kung hindi pa kinakain ng uod ang utak ko, masasabi kong isang magaling na architect ang nagdisenyo nito. White, gray and light brown ang makikita sa paligid.

"Teka? Hindi pa naman siguro ako patay no?" sa naalala ko kasi na ipinagarote ako ng Alperes nayon.

Tiningnan ko ang kasuotan ko at ganun nalang ang pagngiwi ko ng makitang nakasuot ako ng weird na damit. Mabilis akong lumapit sa bintana at natanaw ang magandang kalikasan. May ilog at dagat akong nakikita at iba pang malalaking kabahayan.

Luh nasan ako?

Lumapit ako at pintuan upang buksan ito pero—

"Ouch!"

"Paumanhin binibini, nasaktan ka ba? Hayaan mong gamutin kita" napaangat ako ng tingin sa isang babae na alalang nakatingin sa akin.

Hawak ko ang noo ko dahil nabunggo ako sa pintuan "Arghh ang sakit nun ah!"

"Paumanhin po binibini"

"Tsk mag-order ka nga ng pizza! Bilis! Nagugutom na ako!"

"P-po?"

"Pizzaaaa... Order ka ng pizzaaa... Di mo parin gets?" pabalang kong ani.

"N-nagugutom po ba kayo?" tumango lang ako dito.

"Ihahanda ko na po ang pagkain nyo binibini" ngiting ani nito at yumuko bago umalis.

Napako ang tingin ko sa kanya at sinundan sya ng tingin hanggang sa makalabas sa pintuan. Ganun nalang ang panlalaki ang mata ko at napatakip sa bibig ng gumana ang sira sira kong utak.

'Binibini'. Ang suot kong weirdong damit. Ang malalaking kabahayan na traditional house ng PilipinasAng pagyuko nung babae. Ang pananalita nya.

"Hindi pa ba ako nakabalik sa panahon ko!?"

Hindi to pwede!

Nagpa-ikot ikot ako at sinusubukang isipin ang nangyari sa akin. Sa natatandaan ko papatayin na ako nung Alperes sa pamamagitan ng paggarote. Teka!? Dapat patay na ako diba? O nakabalik sa panahon ko? Bakit nandito parin ako?

Wait— napangisi ako ng ma realize ang nangyari.

So, Alperes saved me. Nang nawalan ako ng malay sa kaba agad nyang pinatigil ang garote dahil— dahil— dahil crush nya ako!

I'm Stuck At Year 1870! Where stories live. Discover now