Kabanta 13

175 24 14
                                    

TREXIE DIAMANTE

Kinabukasan, naging abala kaming lahat sa paglilinis at pagluluto, hindi lang sa loob ng mansion ng Heneral kundi pati narin sa labas. Balita ko may mga bisita raw ang dadating sa susunod na araw at kailangang pagandahin ang paligid ng mansyon. Dahil may alam naman ako sa pagdedesign, nag volunteer na ako kahit may epal na namang nakisali.

"Bantayan nyo ang mga gagawin ng Indio. Ayaw kong masira ang kasiyahan dahil sa kapalpakan niya." seryosong ani ng Heneral.

"Masusunod Heneral." Sagot ng ibang katulong at pinandilatan ako ng mata.

Palihim akong umirap at ginaya-gaya ang kanyang sinabi.

Oa ng Heneral ninyo!

I crossed my arms. "Sisiguraduhin kong ito ang pinakamagandang desenyo ang makikita mo sa buong buhay mo, Luciano Thimothy." pagdiin ko sa pangalan niya.

I heared a gasped coming from the other maids. Kumunot ang noo ng Heneral at tinaasan ako ng kilay.

"Ang pangit pala pakinggan ng pangalan ko" he paused "..Lalo na paggaling sa bunganga mo"

Nagsalubong naman ang kilay ko at kwenelyuhan sya sapat na para magpantay ang mga ulo namin.

"Haaa! Luciano Thimothy. Haaaaa!" binugahan ko sya ng hininga ko kaya ganon nalang ang pagpupumiglas nyang makalayo sa akin.

Sakto hindi pa ako nagsesepilyo.

"P-pati— a-alisin nyo to—"

Binugahan ko ulit sya ng hininga ko kaya hindi nya natuloy ang sinasabi.

"Haaaaa, pangit pala ah! Ito ka ngayon! Haaaaa"

"Hmppp, mmmm mmmmmp!" pigil hininga nyang ungol kaya tumawa ako ng malakas.

Pilit niyang inaalis ang kamay ko sa kwelyo niya ngunit mas mahigpit ang kapit ko dito. Biglang bumaba ang kamay niya sa gilid ng tiyan ko. Napabitaw ako ng bigla niya akong kilitiin dito.

"Gago— tama na hahaha!" sambit ko ng hindi ito tumitigil.

"Ang pananalita mo, Indio!"

 

"Ahhhh hahaha pota— tama na hahaha" naghalo ang tawa at galit sa tunog.

Tinampal niya ang baba ko ng malakas dahilan para mapaatras ako.

"Hoy---- ARAY! ANONG PROBLEMA MO!? ANG SAKIT NUN AH!" sigaw ko habang hinimas-himas ang baba ko.

Tangina ang sakit. Parang nasipa ng sampong kabayo!

"Nararapat lamang iyan sa babaeng walang disiplina sa sarili." sambit niya. Seryosong nakatingin sa akin.

"Binibini huhu ayusin nyo po ang pananalita nyo, para kang hindi babae kong magsalita. At bakit ba gumawa ka ng hindi ka aya-ayang galaw sa harap ng Heneral, hindi magandang tingnan ang ginawa mo." paglapit sa akin ni Ligaya at bumulong.

"Dios ko!  Narinig mo yon diba? Hay Dios ko! Ano ng nangyari sa mga kabataan ngayon!? Natututo ng magmura!"

"Hindi ba iyan nadisiplina ng mga magulang nya? Napakasalbahe!"

"Tsk tsk tsk. Sa harap pa talaga ng Heneral, hindi na nahiya!"

Napalingon ako sa mga katulong na nandito sa labas. Lumaylay ang balikat ko at hindi nakasagot. Muntik ko ng nakalimutang lahat ng mga babae dito ay mahihinhin at halos hindi makabasag pinggan.

Masama ang tingin nila sa akin at nagbubulung-bulungan pa. Nagkasalubong ang tingin namin ng Heneral ngunit agad din akong yumuko. Tumalikod ako at umalis patungo sa hardin, malayo sa kanila. Sumunod naman sa akin si Ligaya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Stuck At Year 1870! Where stories live. Discover now