Kabanata 9

83 15 0
                                    

Kabanata Siyam

TREXIE DIAMANTE

Kanina pa ako at nagpapaikot-ikot sa loob ng aking silid. Hindi kasi ako mapakali kakaisip kong paano kakausapin ang Heneral. I mean, I just want to say thank you for saving me. 'Yong sa garote? Remember?

Dalawang araw na ang nakalipas ng makauwi siya dito sa pamamahay nya ngunit hindi parin ko parin sya nakakausap dahil laging beast mode ang Heneral nyo. Ilang beses ko na syang sinusubukang kausapin pero lagi akong sinasamaan ng tingin na para bang allergic sya sa akin.

"Binibining Trexie maaari bang umupo ka nalang dyan, nahihilo na ako sa kakanood sayo." sinamaan ko ng tingin si Achim na nakaupo sa kama ko.

"May iniisip pa ako Achim wag moko isturbuhin." napakagat ulit ako sa kuko ko at nagpabalik-balik ng lakad.

"Babae ka ba talaga? Tigilan mo nga 'yang kakakagat sa kuko mo, madumi yan."

"Huy, anong madumi? Alam mo bang mas malinis pa 'to sa mukha mo?" nilakihan ko sya ng mata "...Tsaka itong kuko ko nakakabusog to at pwedeng ulamin kahit sa pananghalian!"

Sumama naman ang expresyon sa mukha nya "Nakakadiri ka!" sabay bato sa akin ng unan sa mukha.

Napaamang ako ng diritso itong tumama sa mukha ko kaya bumwelyo din ako at ibinalik ng bato sa kanya.

"Aray! Ang sakit nun!" reklamo nya.

"Masakit din yung ginawa mo sa akin, lokong bata ka!" umangat ang gilid ng labi nya at bigla akong binato ng unan.

"Huy ano ba tumigil ka nga!" sigaw ko habang sinasangga ang mga atake nya gamit ang kamay ko.

"Isa! Achim! Masakit!" tumawa lang ito at nagpatuloy sa pagbato.

"Pag ako makalapit sayo, itatapon kita sa bintana!" banta ko. Ngunit hindi yata narinig ng loko at nagpapatuloy sa pagbato ng unan.

"Dedepensa ka lang ba? Ang hina mo naman binibini!" pang-iinis nya sa akin.

Dumampot ako ng dalawang unan at tumakbo papalapit sa kanya at agad syang pinalo nito.

"Pillow fight!" sigaw ko at pinalo-palo sya. Tumawa naman sya at gumanti rin ng palo.

Pareha na kami nakatayo dalawa at patuloy na umiinit ang laban. Lumalakas ang bawat palo, at mas bumibilis. Wala talagang nagpapatalo saming dalawa.

"Yaaaaaah!" nanlaki ang mata ko ng makita ang unan papalapit na sa ulo ko ngunit agad din akong nakayuko kaya naiwasan ko ito.

"Hindi mo ako matatalo!" sigaw nya.

Bumawi din ako ng ako ng palo pero mukhang myembro yata si Achim ng Vendetta nila Cardo.

Hindi natatamaan ng palo ko!

"Binibini at Ginoong Achim ayos lang po ba kayo dito?"

Napatigil kami sa paglalaro at napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Ligaya.

"Maayos naman, naglalaro lang kami." sagot ko habang inaayos ang buhok kong parang nasabugan ng boga.

Mahina namang tumawa si Achim sa buhok ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"G-ganun ho ba?... Sya nga pala binibini, pinatawag ka ng Heneral sa kanyang opisina, ngayon raw agad." tumaas ang kilay ko at sinuri kong totoo ang sinabi nya. Mukha namang nagsasabi sya ng totoo.

"Aayusin ko muna ang buhok ko." ani ko at lumapit sa salamin.

"Ngunit binibini, ang sabi ng Heneral ay ngayon agad dahil may lalakarin pa raw sila." ani nya sa mahinang boses.

I'm Stuck At Year 1870! Where stories live. Discover now