Prologue

417 21 0
                                    


Ngayon ko na ito i-pupublish kasi busy na later, hope you guys like it. Happy New Year!


-Binibining_Stella


----------------


Third Person's View


"AHHH!!!!" sigaw ni Reyna Hera. Kumikidlat ng napaka lakas sa labas ng palasyo at nagkakagulo dahil sa pag sugod ng mga taga Findara.



"Reyna Hera, ire pa nakikita ko na ang ulo" sabi ni Rosalie, ang pinakakatiwalaan ng pamilya Domnhall.



"AHH!!!*inhale*exhale*AHHHH!!!!!"kasabay ng pag ire ng reyna ay ang pag iyak ng isang sanggol.



"UWAHH!!!UWAHH!!" iyak ng sanggol. Inabot ni Rosalie kay Reyna Hera ang sanggol.



"kay ganda ng sanggol Reyna Hera ano po ang ipapangalan niyo sakaniya" nakangiting tanong ni Rosalie.



"Freya.....Freya Athena, ayan ang ipapangalan ko sakaniya, alam ko... pag laki niya ay magiging isang mabuting lider siya, at mahusay sa pakikipag laban" sabi ni Reyna Hera.



"Kay gandang ngalan iyon Reyna Hera.." sabi ni Rosalie. Nawala ang ngiti nila ng kumalabog ang pinto ng silid kung asan sila. Pumasok si Haring Zeus, ang asawa niya, at sinara ang pinto.



"Mahal, nakapasok na ang kalaban, bumagsak na ang mga kaharian, ngunit sa Khisfire ay tagumpay ang laban kaya papunta na ang hari at reyna ng Khisfire" salaysay ni Haring Zeus. Nag aalalang tumingin si Reyna Hera sa kaniyang anak.



Bakit sumakto sa pag sugod ng kalaban ang pag kabuhay ng aking kaisa isang anak.



Napansin nila Haring Zeus at ni Rosalie na naging ginto ang mata ng Reyna nila, ibig sabihin nito nag hahalo halo na ang emosyon nito at nabubuhay ang kapangyarihan nito.



Humahangos na pumasok si Lorenzo sa silid. Nakita ni Rosalie ang asawa kaya nilapitan niya ito.



"Haring Zeus at Reyna Hera, kailangan na kayo ng buong Therondia, papasok na sila dito" saad ni Lorenzo. Napatayo silang lahat ng kumalampog na ang pintuan ng silid.



"Andito na sila" mahinang saad ni Reyna Hera, hindi ito nakatakas sa pandinig nila.



Nabigla sila Rosalie at Lorenzo ng nawasak na ito at nag si pasok ang mga kalaban. Hinigpitan ni Reyna Hera ang hawak sa kaniya anak.



"Ibig niyo samin ang sanggol kundi papabagsakin namin ang kaharian niyo" buong tapang na sabi ng kalaban.



"At sa tingin niyo ganun kami katanga upang ibigay ang ka isa isang anak namin? Ha! mga lapastangan!" Buong diin na sabi ni Reyna Hera at itinaas ang isang kamay. Nabigla sila ng may namuo na sa ere, mga espada na gawa sa tubig at mas pinatulis ito gamit ang liwanag. Pinagbabato niya ito sa mga kalaban kaya namatay ang mga ito.



"Rosalie!kunin mo ito" sabi ni Reyna Hera at hinubad ang kwintas na kasing hugis ng simbolo ng tubig.



"Pumunta kayo sa mundo ng tao kayong mag asawa at dalin niyo ang anak ko, kayo nalang ang pag asa ko. Hindi ko hahayaan na mapahamak at mapasa kamay nila ang anak ko... maawa na kayo ligtas kayo duon" sabi ni Reyna Hera kay Rosalie at Lorenzo.



"Dumarami na sila!" sigaw ni Haring Zeus.



"Umalis na kayo" malumanay na saad ni Reyna Hera.



"Pero Reyna Hera paano---"sasagot pa sana si Rosalie pero pinutol na siya ni Reyna Hera.



"Kaya na namin ito. Rosalie at Lorenzo, inuutusan ko kayong pumunta sa mundo ng tao kasama ng aking anak, papalakihin niyo sa ng may mabuting ugali, at pag tungtong ng tamang edad babalik kayo dito ng ligtas.. naiintindihan niyo ba?" sabi ni Reyna Hera kaya wala silang nagawa kundi yumukod at kunin ni na si Prinsesa Freya.



"Mag iingat kayo Reyna Hera at Haring Zeus" sabi ni Rosalie at Lorenzo at yumukod bilang pag galang bago tumakbo. Pumasok sila sa sikretong pinto sa likod ng mga libro at tumakbo na patungo sa dulo ng kagubatan kung saan ang lagusan papuntang mundo ng tao.



"Lorenzo tara na" ay ani Rosalie sa kaniya asawa. Tinapat niya ang kwintas at may ibinigkas siya na mahika upang mag karoon ng lagusan sa puno. Agad sila pumasok duon at nabalot sila ng kadilim. Makalipas ang ilang Segundo na silaw na sila sa liwanag sa mundo ng tao.



Nag katinginan ang mag asawa at tiningnan ang sanggol na si Freya, alam nila na simula ngayon malaking responsibilidad ang gagampanan nila sa mundo ng mga tao.



Therondia Academy (School of Magic)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon