Chapter 5

190 10 0
                                    




Paglabas namin ay umupo agad kami sa bench, hindi naman gaano maaraw. Maganda ang panahon ngayon medyo mahangin at malilim.



"shopping tayo later kasi hanggang mamaya nalang bukas ang gate. Sinasara kasi ito pag simula na ng pasok at bubuksan ulit sa Christmas break or any events" page explain niya.



"May plaza ba dito?" tanong ko sakanila.



"oo naman dun din tayo kakain mamaya at lilibot masaya duon eh" sabi ni Aqua.



Makalipas ng ilang minute nakita na namin na palabas sina Lou at Miracle kaya naman tumayo na kami.



"Tara gutom na ako eh" sabi ko sakanila at naglakad na.



Tinawanan lang nila ako at nagdaldalan na sila, minsan nakiki daldalan ako pero mas lamang ang pag iisip dahil sa nangyari sa mansion.



Ano kaya ang nangyari kala Mama at Papa? Ligtas kaya sila? Bakit may sumugod saamin kanina?ano ang pakay nila samin?



Pala isipan sakin ang nangyari kaninang umaga.



"Tara na dito na tayo sumakay" sabi ni Windy at sumakay na kami sa Kalesa. Umandar na ang sasakyan kaya sumandal muna ako at pumikit.



Naramdaman ko na napalingon sila sakin.



"Okay ka lang ba Freya?" tanong ni Lou, kaya nagmulat ako at nagbuntong hininga.



"Sinungaling ako kung sasabihin kong oo" sabi ko sakanila.



"Matanong lang Freya ha... san lugar ka galing sa Kestramore ba?sa Alynthi?" tanong ni Aqua.



"sa Belrynna" tanging sagot ko.



Tumango tango naman sila at kumalma, pero ilang saglit bumaling silang apat sakin ata nanlalaki ang mata. Nagtataka akong tumingin sakanila at tinaasan ko sila ng kilay.



"G-galing ka sa m-mundo ng tao?!" gulat na taong ni Lou, tumango naman ako.



"How come? I mean pano ka nakarating dito?" tanong ni Windy.

Therondia Academy (School of Magic)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon