Chapter 13

160 9 0
                                    



Face reveal ni Freya!!!!hihi, gray pa buhok niya niyan.....


-Binibining_Stella


--------------------


Aqua's POV


Bumaba kaming magkakaibigan at dinaluhan si Freya, nagulat kami ng bumagsak ito pero mabilis naman ang galaw ni Cole kaya nasalo niya ito.



"Kailangan na niya magpahinga.... Dalin niyo sa dorm, duon na sa kwarto ko para matutukan" sabi ko, sumang ayon naman si Cole at umalis na buhat buhat si Freya.



Pinalabas na ang mga estudyante upang makapahinga na at walang pasok hanggang bukas dahil sa pagod.



Lumapit kami nina Miracle, Lou, Windy at Adam sa Kings at Queens at yumukod.



Rank 6 nga pala si Lou dahil napagaling nito gumamit ng spell, at si Miracle naman ay rank 7 dahil maliban sa kaya niya makita ang mangyayari ay meron din siyang Telekinesis.



"Anak..." tawag sakin ni Queen Iris, ang mama ko.



"Ma.." sabi ko sabay yakap sakaniya.



"Ang gagaling ninyo" puri ni King Hades samin, agad kami nag pasalamat.



"Mga bata napag usapan namin na mamaya ay kailangan ninyo pumunta sa Kaharian ng Kestramore kayong lahat maliban kay Freya dahil mukhang mahaba ang pahinga nun, may kailangan tayo pag usapan kasama ng kinatataas, maliwanag?" sabi ni Queen Windlyn.



"Opo Reyna" sagot naming, umalis na sila kaya lumabas na kami at pumuntang dorm.



"Miracle!Lou! kung gusto niyo dun muna tayo sa kwarto ko malawak naman ang kama duon para mabantayan natin si Freya" aya ko sakanila, tumango naman sila kaya tinahak na naming ang papunta sa kwarto ko.



Pagpasok namin ay nakita naming na nakaupo si Cole sa upuan nasa gilid ng kamang hinihigaan ni Freya.



Napatayo naman na siya ng makita niya kami.



"Cole, we need to talk" sabi ko sakaniya tumango naman siya kaya bumaling ako sa dalawa.



"Paki bantayan na muna si Freya, kung ma bored kayo may tv buksan niyo nalang kung gutom kayo punta kayo sa first floor andun ang kusina" sabi ko tumango naman sila kaya lumabas na kami ni Cole at pumunta sa veranda ng sala dito sa second floor.

Therondia Academy (School of Magic)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon