Chapter 18

169 8 0
                                    


Freya Athena when her hair turns gold.

-Binibining_Stella

---------------------


Ngayon araw ang digmaan at ilang oras na lang ay susugod na ang mga Findara.



"Nagbalik ang Prinsipe ng mga Findara, mas magiging delikado"na nginginig na sabi ni Windy, may prinsipe ang Findara?

Nakita ko na niyakap naman siya ni Troy, sa lumipas na araw ay napansin kong mahal nila an isa't isa at I'm not against sakanila.

"P-paano mo nasabing delikado ang Prinsipe ng mga Findara?" tanong ko sakaniya.

"Dahil taglay din niya ang napakalakas na kapangyarihan at nasamahan pa ng kademonyohan ng ama niya, pero mas malakas ka pa din" pahayag ni Aqua.

Pumwesto na kami sa buong Academy hiwalay hiwalay kami. Ang kasama ko sa South, ang dulo ng Academy ay si Windy, sa west si Aqua at Troy, sa east si Adam at Lou habang sa north kung saan ang harap mismo ng Academy ay si Cole at Miracle kasama ang ibang tauhan.

"I think nagsisimula na ang laban sa North at West sana ligtas sila" sabi ni Windy. Ginamit ko ang hangin, at narinig ko din ang saguopaan sa iba't ibang dako. Kami lang andito sa South.

Ang mga hari at reyna ay nasa kaniya kaniya ding palasyo dahil upang hindi ito masakop.

"Sana naman---" may sasabihin sana si Windy pero pinutol ko siya agad.

"shhhh" sabi ko sakaniya, ng may maramdaman akong kaluskos ay agad ko tinago si Windy sa likuran ko.

Nagulat ako ng may biglang l;umitaw sa harap kaya sinugod ko ito agad. Pinagbabato ko din siya ng Apoy at kung anoa no, nagtataka ako kung bakit puro ilag lang ginagawa niya at hindi ako sinasaktan.

Hindi ko masyado kita ang mukha niya dahil naka maskara siya. Bigla siya tumakbo ng napakabilis hindi ko na nahabol dahil nagsilitawan na sa taas ng pader ang mga kalaban. Eto na ang simula ng laban.

Agad kami sumugod ni Windy sa mga kalaban at tulad ng inaasahan ko ay naging madali ang laban dahil dalawa kami ni Windy ng nasiguro naming na clear na dito ay hinawakan ko ang kamay ni Windy at pumadyak ako, at pag mulat nakita ko na nasa North na kami at napaka daming kalaban. Nag hiwlaay na kami ni Windy at lumaban. Nakit ko na may sasaksak sana kay Cole mula sa likod, pero agada ko naglabas ng lubid na gawa sa apoy at pinulupot ito sa leeg nung kalaban at kinaladkad ko ito. Nnag makita ko na may papasok sana sa may gate ng Academy, binatuhan ko agad ito ng napaka laking Fire Ball kaya pati Gate ay nagbabaga.

Ginamit ko ang Air upang makalipad at pumunta sa pinaka taas ng Building ng school hila hila padin ang laban. Nang makalapag ako dito ay nakita ko ang mga dragon ng kalaban na nagsisiliparan at naglalaban din. Padaan ang kalaban dito sa gawi ko kaya naman pinaikot ko sa ere ang lubid na may sakal at tumalon kasabay nito ang pagbagsak ng dragon at nung lubid ko sa sobrang lakas ng impact.

Bigla nalang may nagbato ng itim na patalim sa akin buti damplis lang ito sa braso, s ainis ay humarap ako dun.

"well. Well. Well.. napakahina naman ng Unica Ija ng mga Domnhall" insulto niya sakin sabay tawa ng demonyo.

"Sino kaba!"sigaw ko sakaniya kaya napatigil siya sa pagtawa.

"King Apollo" tanging sagot niyo, so ito pala ang hari ng Findara...tsk!

Ganun na lang ang gulat ko ng bigla siyang sumugod, pilit ko iniiwasan ang patalim niya kaso hindi ko inaasahan na may kakaiba siyang kapangyarihan.

Naramdaman ko nalang na bumagsak ang katawan ko sa sahig at naghahabol ng hininga. Nakita ko ang pagdilim ng langit at ang mga kidlat.

Lumingon ako kay Apollo at kita ko ang Simbolo ng kidlat sa kamay niya. Lumapit siya sakin at lumuhod.

"Kung sana pumayag ka lang na sumama nuon at buhayin ang asawa ko, ode sana mabubuhay ka pang matagal, tsk tsk tsk!" sabi niya.

"Sinong tanga ang maniniwala sayo? Hinid ako papaya sa katangahan mo Apollo! Papatayin mo ako pagkatapos kong gawin yun. Bakit hindi mo natanggap na patay na ang asawa mo!" sigaw ko sakaniya, nandilim bigla ang mukha niya at bigla ako sinakal at iniangat sa ere nakita ko na may dumadaloy nga kidlat sa kamay niya kung saan sakala niya ako.

Hindi ko alam bakit hindi ko na magamit ang apat kong kapangyarihan, kung kailan kailangan ko na wala na!!!!!

"AHHH!!!" sigaw ko dahil sobrang sakit na....

Nagulat ako ng biglang nagliwanag ang kwintas ko, at nag iba bigla ang kulay ng buhok, tila napaso si Apollo sakin at nabitawan ako. Nakita ko napinalibutan ako ng bilog na kulay ginto. Ang buhok ko ay naging ginto na din pati ang aking mata, ano bang nangyayari sakin.

Nang makatayo na ako ay Nawala na ang barrier sa paligid ko at agad ko sinugod si Apollo, binatuuhan niya ako ng kidlat ngunit sinangga ko lang iyon, nang makalapit ako sakaniya ay agad ko siyang sinakal at iniangat sa ere.

"Hinihiling ko na sa oras na ito!" sigaw ko kasabay ng pag kidlat na napaka lakas sa langit.

"Sa oras na ito!!!mamamata-----" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang tumama na kidlat sa likod, napaluhod ako bigla sa sakit. Nakita ko ang kadadating na sila Cole andito sila pero dahil ayaw ko sila masaktan sila nilagyan ko sila ng barrier nagulat ako ng kulay ginto ako, sa tingin ko nakuha ko na ang pinaka kapangyarihan ko...ang Light.

Nakita ko na m,ay tao sa harap kaya nag angat ako ng tingin.

"TANGGALIN MO ITO!FREYAAA!!!" sigaw ni Cole pero asa lalake lang ang tingin ko, pamilyar sakin ang pakiramdam.

Nakikita kong nag wawala sila pero hindi ko maaari tanggalin iyon dahil sa oras na tanggalin ko iyon ay mapapahamak sila.

"Patayin mo siya..." bulong ni Apollo habang nakatingin sa lalaking kaharap ko sino bai to?. Hindi pa rin makagalaw si Apollo dahil sa ginawa ko sakaniya.

Niluhod nung lalaki ang isang tuhod at pinatong duon ang braso, nang tanggalin niya ang maskara nagulat ko sa nakita ko. P-paano.

"Patayin mo siya A-anak" banggit ni Apollo kay Jake.

"WAG MONG HAHAWAKAN SI FREYA, MORRIS!!PAPATAYIN KITA!" sigaw ni Cole.

"A-ama mo siya?i-ikaw ang sumugod sakin" nanghihina kong sabi.

"Patawad, kailangan ko iyon gawin" sabi niya. B-bakit?bakit kailangan?papatayin din niya ba ako.

"Huwag mo siyang papatayin Freya, siya nalang ang natitira sakin...." Paki usap niya sakin. Kasabay ng pagkidlat sa harap ko ay ang pag laho niya.

Lumingon ako kay Apollo na bumabalik na ang lakas kaya kahit napakasakit nung tama ni Jake ay tumayo ako at mas mabilis pa sa kidlat pumunta sa likod ni Apollo at hineadlock siya.

Nagulat ako ng sumigaw sila Aqua.

"FREYAAAAAA!!!" sabay nilang sigaw ngunit huli na ang lahat kasabay ng pag lingon ko ay ang pagsaksak ni Apollo sa sarili niya at sinagad niya ang pag kakasaksak sa espada.

Naramdaman ko na ang hapdi banda puso ko at mas lalong sumakit ng hinugot bigla ni Apollo ang espada, bumagsak agad ako at nakita ko ang pagkamatay ni Apollo.

Ilang sandali ay alam kong malalagutan ko na ang hininga, pero lumitaw pad ina ng ngiti sa aking labi ng magliwanag ang kalangitan, ibig sabihin... panalo kami ng laban.

Nakita ko na umiiyak na sila pero nginitian ko lang sila. Itinapat ko ang kamay ko sa barrier at pinawala iyon, kasabay nun ay pagsuko ng buong katawan ko.

Therondia Academy (School of Magic)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon