Chapter 3

217 15 0
                                    




Simula ata hindi ako nakapasok dito.



Ano to?! Ano itong mga ito, puro libro at pang kemikal ang nasa loob meron pa isang glass cabinet at sa tingin ko ay magic spells mga yun at mga maliliit itong bote na may ibat ibang kulay ng likido.



"Anak makinig ka sakin ha?"sabi sakin ni Mama kaya agad ako tumango.



Kinuwento niya sakin ang isang lugar na kung tawagin ay Therondia, nabubuo ng limang kaharian ito ay ang Domnhall, Zinambra, Khisfire, Kestramore, at Sarithia. Domnhall ang namumuno sa buong lugar. Sinabi din niya sakin na isa silang mga witch at gumagawa sila ng mga spells.



May sasabihin pa sana si Mama ng bumukas ang pinto, si Papa.



"Dito ka muna Anak may pag uusapan lang kami ng Papa mo" sabi sakin ni Mama kaya tumango ako at lumabas na sila kaya naiwan ako sa silid.



Naniwala agad ako sa sinabi ni Mama dahil alam ko na hindi siya mag sasabi o magbibitaw ng salita na walang katotohanan. So... isa din akong witch? Or hindi? Sabi kasi ni Mama kanina hindi ako witch tapos hindi na niya naituloy.



Naputol ako sa pag iisip ng mag ring ang cellphone ko.


*Babe is calling...*



Yan ang nakalagay sa cellphone ko. Bumalik yung sakit, hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hahayaan nalang ito. Pero mahal ko pa din siya.



Sinagot ko ang tawag ngunit hindi ako nagsalita, narinig ko ang hikbi niya na nagpa luha sakin.



[Babe...I love you..plss don't leave me] paki usap niya, ngunit nanatili akong tahimik na umiiyak.



[talk to me pls...] paki usap niya pero pinatayan ko na siya ng tawag, wag muna ngayon...hindi ko pa siya kayang makausap.


Agad ako nagpunas ng luha ng naramdaman kong bumukas ang pinto. Nagtataka akong tumingin kay Mama ng pinasok niya ang maleta ko.



"Mama aanhin ko itong maleta?" tanong ko sakaniya. Naka cloak sila ngayon ni Papa, oo alam kong witch sila pero hindi ko alam kung bakit ngayon sila nakaganyan.




*Bogsh!*Bogsh!*

Therondia Academy (School of Magic)(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora