Chapter 1

263 14 0
                                    




"Anak!!!!Freya gumising kana!!!anong oras na! diba exam mo ngayon" sigaw ni Mama.



"Mama naman ih... 5 mins.." sabi ko at humarap sa kabilang side ng kama ko. Ansarap talaga matulog.



"Ay naku alam ko na yang 5 mins mo na yan tumigil ka Freya ha bumangon na may exam kapa" sabi ni mama at bumaba na ng kwarto.



No choice ako kundi bumangon buti nag review na ako kagabi hay naku... Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table at binuksan ko ito.



*1 message*



Binuksan ko ito at nakita kong nag message ang boyfriend ko na si Jake. Mag 5 months pa lang kami.


From Jake:

Hi babe agahan mo pumasok ha meron exam...



Ayan lang ang sinabi niya kaya bumangon na ako at gumayak nag suot ako ng ngayon ng black na polo hanggang siko ang sleeves at naka pantalon ako ng black then black din na sapatos. Hindi mahilig sa black ewan ko lang talag trip ko ngayon ito. Humarap na ako sa vanity at nag suklay. Pinakatitigan ko ang buhok ko natural hair ko na ito color ash gray ang buhok ko. Sabi nila mama at papa talagang ganito na daw eh.



Pagkatapos ko magsuklay agad ko sinuot ang contact lense ko na color brown, ang mata ko kasi kakaiba din...color gray.



Pagbaba ko ay nakita ko sila mama at papa sa dining.



"Hi Ma! Hi Pa!" bati ko sakanila ta humalik sa pisngi nila. Si papa nag babasa ng dyaryo si Mama naman may papeles na binabasa din.



"Anak kumain kana dito" aya sakin ni Papa.



"Ay hindi na po pa, malelate nako sa school cafeteria nalang ako kakain" sabi ko sakanila, kaya nag paalam na ako at naglakad na papuntang pinto.



"Lady Freya... papasok na po ba kayo?" tanong sakin ng isa sa mga maid namin.



"Opo!" maligalig kong sagot, tumango naman siya at nauna nang lumabas.



Nagtaka ako ng makita ko sa baba ng hagdan ang limousine ko, Yah I know I have my own limousine. Kinda cute pero kasi sayang lang sa pera yan.

Therondia Academy (School of Magic)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon