Chapter 17

164 10 0
                                    



Ngayon ay nag eensayo na lahat para sa magiging digmaan sa susunod na araw, pano naming nalaman?sumugod ang mga Findara sa Academy.



Flashback


Habang kumakain kami sa canteen, recess ngayon, ay umihip ang hangin, bigla ko naramdaman na may mali.



"labas lang ako saglit, papahangin lang" sabi ko sakanila at lumabas na.



Hindi nga ako nagkamali naramdaman ko na may sumunod sakin pero tuloy tuloy akong naglakad hanggang makarating ako sad ulo ng academy.



Dead end na ito kaya sumandal ako sa pader at nagsalita.



"Mga duwag ba kayo?magpakita kayo!" sigaw ko sa mga sumusunod sakin. Hindi ako nagkamali napakarami nila, buti na lang asa dulo kami.



"anong kailangan niyo" matapang kong tanong.



"Sumama ka saamin"saad nung isa kaya tumawa ako ng mahina.



"Ganun ba ako Katanga para sumunod" sabi ko sakanila.



"sumama ka samin o sisirain namin ang buong Academy ngayon!" sigaw ng isa, dahil sa narinig ko ay hindi na ako nag aksaya ng oras at binatuhan ko na siya agad ng fire blades nakita ko naman na nahiwalay ang ulo niya sa katawan, one down, 19 to go. Susugurin sana ako ng isa pero sinangga ko ang espada niya gamit ang espadang gawa sa apoy na nasa kanan kong kamay habang sa kaliwa kong kamay ay sakal sakal ko ang isa gamit ang lubis na gawa sa tubig na hinaluan ko ng apoy kaya naman mainit ang tubig na nasa leeg niya, nakita ko na may sumugod sa harap ko kaya yumuko ako para hindi tamaan ng patalim niya agad ko sinipa ang mukha nun at binatuhan ng nagbabagang apoy ang nasa kanan ko at hindi kalaunan ay natunaw sa init.



Hinila ko palapit ang sakal sakal ko gamit ang lubid agad ko binali ang ulo nito 4 down 16 to go, sumugod na ang iba kaya naman napasabak ako. Sampo na lang ang natitira kaso ang problma tumakbo na sila papasok sa Academy, wala ako na isip na iba kundi ilabas ang apo. Gumawa ako ng napakadaming fire blades at tumama iyon sa lima. Tumakbo na ako upang maabutan iyon pero mas natakot ako ng papunta na sila sa canteen. Pinandyak ko ang paa ko agada gad at napunta ako sa bunga ng canteen, nakita ko na parang gulat ang lahat ng estudyante pero wala na akong pake agad ako humarap sa kalaban. Hinawakan ko agad ang lupa at iniangat , dahilan para magkaroon ng pader sa buong paligid ng canteen.



"Walang lalabas!" sigaw ko, pero lalabas sana sila cole ng lagyan ko ang buong building ng harang gamit ang apat na element na m aski sino ay walang makakasira maliban sakin.

Therondia Academy (School of Magic)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon