Chapter 9

169 13 0
                                    




"Uy andyan kana pala tara na sa canteen andun na sina Aqua eh" sabi ni Miracle kaya agad kaming pumunta sa kabilang building adnito ang canteen. Pagpasok naming ay agad naming hinanap ang kung asan sina Windy.



"Andun sila tara" sabi ni Lou sabay turo sa gitnang lamesa. Habang papunta kami ruon ay may humarang sakin na isang lalake.



"Ahm hi!" sabi niya tianguan ko lang siya t tinaasan ng kilay.



"May kailangan kaba?" tanong ko sa kaharap ko.



Tumingin siya sa gilid niya at nakita kong inangat ng lalake anfg kaniyang kamay at sumunod sa kamay niya ang bagay na tinuro niya kaya lumutang iyon. Hmm Telekinesis...



'pakitang gilas'

'pa perfect ka?'

'nice one'



"For you" sabi niya sakin sabay abot ng rosas na kumpol at hindi kung ano mang pang ipit ang pinaggamit kundi magnet.



Tinanggap ko iyon para matapos na.



"ako nga pala si Karlo" sabi niya.



"Freya" tanging sagot ko, bakit hindi pa kaya ito umalis... ibalibag ko ito eh Napairap ako sa naisip ko, may sasabihin pa sana siya ng bigla ito bumalibag kahit ako nagulat sa nangyari.



Bigla siyang dinaluha ng mga kaibigan niya ata dadalin daw sa clinic. Hindi ko nalang iyon masyado inisip at umupo na sa bakanteng upuan katabi ni Cole pabilog ang upuan.



"Anong nangyari dun?" takang tanong ni Adam.



"Oo nga, bigla bumalibag hahha" sabi ni Aqua.



"Baka mamay ikaw may gawa ginamit mo kapangyarihan mong tubig" pansisisi ni Lou.



"Luh ode sana nakita niyong may tubig na pumulupot dun" sabi ni Aqua.



"Oh sayo na ito ayaw ko niyan" sabi ko sabay abot ng bulaklak kay Miracle.



"Ayaw mo naman pala eh bakit mo tinanggap?" tanong niya sakin.

Therondia Academy (School of Magic)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon