Chapter 4

207 11 0
                                    



"Miss Mendez, bukas na simula ng klase eto ang uniform ko, hindi mo pa alam ang kapangyarihan mo kaya sa mababang rank ka napunta, don't worry tataas yan pag nailabas mona" sabi niya nagpasalamat na ako at lumabas.



Sinalubong naman ako ni Windy at sabay kami naglakad.



"Saan ang dorm mo?" tanong niya sakin.



"Rank 55, Secong floor, room 12" sabi ko napatango tango naman siya.



"Hindi mo ba alam ang kapangyarihan mo?" tanong niya sakin kaya umiling ako.



"I think pag nag 18 ka dun na lalabs yun" sabi niya sakin, dire diretso lang ang lakad naming at nakalabas na kami sa likod ng building ng school at may apat nag lalakihan na building.



"Freya yang unang building na yan sa left side ayan yung Dorms niyo, iba kasi ang samin kasi elemental kami ayun oh yang katapat niyo ayan yung samin" sabi niya tumingin naman ako sa right side may kalayuan ang dorm nila.



"Sige.. hanapin ko na ang dorm ko pahinga kana din" sabi ko sakaniya at naglakad na.



"Sunduin kita later Freya shopping tayo!"sigaw niya nilingon ko naman siya at tumango.



Nakita ko na tumakbo na siya papunta sa dorm nila. Habang naglalakad ako ay nakikita ko naman na ang ibang estudyante ay nagbubulungan habang nakatingin sakin pero hindi ko nalang pinansin at dire diretsong pumasok sa building.



May malaking fountain sa gitna ng mga building at madaming bench at duon nakatambay ang ibang estudyante.



Pagpasok ko sa building ay nakita ko na may elevator kaya pumunta ako dun. Nang bumukas ito ay may dalawang babae ang nasa loob pero hindi ko nalang sila pinansin at pumasok sa loob, pinindot ko ang 2nd floor at nag saran a ang pinto.



Pagbukas ng pinto ay lumabas agada ko at hinanap ang room 12, nang huminto na ako sa tapat ng room 12 napansin ko na huminto dina yung dalawang babae na nakasabay ko.



"I-ikaw ba yung bago naming roommate?" tanong ng isang babae nakasalamin ito.



"Oo" tanging sagot ko at binuksan ang pinto at tuloy tuloy pumasok.



"Ako nga pala si Miracle Hailren, prediction" nakipag kamay ako sakaniya at tumango. Lumingon naman ako sa nakasalamin.

Therondia Academy (School of Magic)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon