Chapter 11

172 10 0
                                    




"Freya, gising na.."



Nagmulat ako ng mata ng may narinig akong nagsasalita, nakita ko si Lou na nakaupo sa kama ko.



"o-ouch!sakit ng ulo ko....." daing ko at umupo sa kama.



"Bumangon kana saka kumain andyan sa mesa yung pagkain sa lamesa saka yung gamot. Baka ma late pa tayo" sabi niya at tumayo na.



Tumayo na din ako at naligo na.



Paglabas ko ay kumakain na si Lou si Miracle naman ay tulog pa din.



"Pa gising na nga si Miracle, matikang tulog ih" sabi ni Lou kaya naman lumapit na ako kay Miracle.



"Miracle! Gising!uyyy" inalog alog ko pa siya laking gulat ko ng dire diretso ito umupo sa kama niya.



"May magbabalik....ang kadiliman ang sasakop sa buong Therondia" sabi niya at bigila ulit na higa.



Ano ang pinagsasasabi nitong si Miracle... totoo kaya yun?



Nakatinginan kami ni Lou, halatang iniisip niya ang sinabi ni Miracle.



Maya maya ay nagising na din si Miracle, agad ko ito inayang kumain.



***



"So ittutuloy natin ang discussion na naudlot kahapon" sabi ni Teacher Yumi kaya nag focus na kami sakaniya.



"Nabanggit na natin kahapon ang tungkol sa lugar ng Zinambra at Kestramore, nagyon ang pangatlong kaharian ay ang Sarithia na pinamumunuan nina Haring Alonzo Sarithia at Reyna Windlyn Sarithia, nagtataglay ng kapangyarihan ng Hangin. At ang kaisa isa nilang anak na si Alfaye Windy Sarithia, Rank 2.



Ang pang apat na makapang yarihang kaharian ay ang Khisfire, pinamumunuan nina Haring Ares Khisfire at Reyna Hestia Khisfire, nagtataglay ng kapangyarihan ng Apoy, pinakamalakas sa apat na element ang apoy dahil napaka destructive nito. Mayroon sila ka isa isang anak na si Solaris Cole Khisfire" sabi ni Teacher Yumi, nagtilian naman ang mga babae dahil siguro narinig nila ang pangalan ni Cole.



'Cole my baby'

'ang hot kaya ni Cole'

Therondia Academy (School of Magic)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon