Chapter 19

171 6 0
                                    


Solaris Cole Khisfire


-Binibining_Stella


-----------



Cole's POV



Anong ginawa kong mali? Bakit siya kinuha sakin? Bakit?!! Masyado bang childish kung hindi ko matanggap na wala na siya?



Hindi ko matanggap. Balak ko pa sana pag katapos ng laban ay aamin na ako sakaniya at mag propropose agad...



Nasa Palasyo ng Domnhall silang lahat pero hindi ko pa kaya makita ang katawan ng mahal ko na hindi humihinga...



Aqua's POV



Hindi ko inaashan na mangyayari ito. Bakit ang pasaway mo? Pinangako ko sa arili ko na proprotektahan kita pero ano ito? Ikaw pa ang nag protekta samin....



Kahit masakit man ay nagbihis ako ng bestida na kulay puti at pinuntahan ang kwarto ni Cole para sana aayain siya para pumunta na sa Domnhall.



Pagdating ko sa labas ng kwarto niy ay rinig ko ang kalabog, nagwawala nanaman siya, alam ni Cole ay wala siyang kasama pero nagpaiwan ako dahil alam kong walang kasama si Cole baka anong gawin.



Napaluha din ako ng marinig ang hagulgol ni Cole mula sa loob ng kwarto, napasandal ako sa gilid na pader ng pintuan niya.



Para ko nang kapatid si Cole, at ever since.. ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganyan. Kauna unahan niyang minahal si Freya at sila din ang itinakda. Pero ano ito?



Goddess Selene!!!!kung sila ang itinakda..bakit namatay si Freya!!! Bakit?!



Pumasok na ako sa kwarto ni Cole ng hindi kumakatok nakita ko na nakaupo siya sa sahig at nakasandal sa kama habang yakap ang jacket na suot nuon ni Freya nung pumunta kami sa Domnhall.



"Tumayo ka Cole! Magbihis ka at pupunta tayo sa Domnhall, sa ayaw at gusto mo ay sasama ka" maotoridad kong saad. Marahas siyang tumayo at galit na tumingin saakin, nakita ko na nag kulay apoy na ang mata niya, ibig sabihin lang nun ay labis na ang galit at hinanakit ang emosyon niya pero hindi ako natinag.



"Hindi mo ba naririnig ang sarili mo ha Aqua! Parang tinatanggap mong wala na si Freya!" sigaw niya sakin kaya nasampal ko siya.

Therondia Academy (School of Magic)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon