PROLOGUE

2.2K 51 3
                                    

Mag-aaral ako sa isang kilalang paaralan dito sa bansa, ang Xenon High. Kasalukuyan akong naglalakad papuntang Deans Office, kasabay ang mga matang nakatingin sa akin. Mamahalin ang paaralang napasukan ko.. Hindi ko nga alam kung bakit dito pa ako pinapasok ni Mama.

Nang marating ko iyon ay kumatok muna ako bago pumasok, bumungad sa akin ang babaeng may hawak na papel at telepono. Sa tingin ko ay siya ang Deans Secretary.

Pinaupo niya muna ako sa mono block chair para hintayin ang Dean dahil papunta pa lang daw ito.

"So.. What's your name, Miss?" nakangiting tanong niya.

"Khiara Jane Dela Fuente po." sagot ko.

Magsasalita na sana siya ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalakeng may katandaan na kung iyong titignan ngunit sumisigaw ang pagiging kagalang-galang.

Mukha itong mabait at pormal na pormal din kung manamit. Sabay kaming tumayo ni Miss Secretary para bumati.

"Good morning, Dean." bati namin. Nginitian niya naman kami.

"Good morning." pormal na bati niya at tsaka bumaling saakin. "You're Khiara?"

"Opo."

"Ms. Roxxanne? Kunin mo iyong file na pinaayos ko sayo kahapon, please?" aniya.

Tumango naman si Ms. Secretary na Roxxanne pala ang pangalan. Lumapit siya sa isang kabinet at may kinuha roon tsaka ibinigay kay Dean. Tinignan niya lang iyon at iniabot sa akin.

"Open it."

Binuksan ko nga iyon at tinignan ang schedule ko, ID, at kung sa'n ang room ko. 'Class-10' Ngunit hindi ko alam kung sa'n iyon at sa laki nitong school ay paniguradong maliligaw ako.

"C'mon, I'll come with you." saad niya na para bang nababasa ang nasa isip ko.

Nagpaumuna siyang naglakad at sumunod naman ako. Naglakad kami papunta sa dulong bahagi ng school at umakyat sa pangalawang palapag. Habang tinatahak namin ang daan ay doon ko sinimulang pagmasdan iyon.

Malaki naman ngunit parang luma at kupas ang pintura ng building na ito, nagkalat din ang mga basura sa paligid at kung bago ka dito ay aakalain mong abandonado.

"Pasensya ka na, Khiara.. Dahil ganito talaga ang mga estudyanteng nandito." nakangiwing sabi ng Dean.

Hindi ko na siya sinagot pa at sakto namang nasa harap na kami ng pinto ng isang classroom. Mula sa kinatatayuan namin ay rinig na rinig namin ang ingay na nagmumula sa loob.

Hindi na kumatok pa si Dean at sa halip ay pinihit na niya ang doorknob at dire-diretsong pumasok sa loob.

Bumungad samin ang mga estudyanteng nagbabatuhan ng papel. Ang iba sa kanila ay naghahabulan pa sa loob habang nagkaklase.

Ngayon ko lang din napansin na pulos lalake ang magiging kaklase ko! Ito pala ang Class-10! Pulos lalake ang mga estudyante!

Ngayon, hindi ko alam kung pano makikihalubilo sa kanila lalo na na ayaw nila sa bago nilang kaklase! Ngayon ay tinitignan na nila ako na tagos hanggang kaluluwa ko,

Para akong papatayin ng mga tingin nila! Hindi ko naman nga sila kilala.. kung makatingin 'kala mo may ginawa akong masama!


This is my first story so expect a lot of grammatical errors and typos. Support me and my story until its ending, advance thankyouu≧^≦

M

Among The BoysWhere stories live. Discover now