CHAPTER 2

741 34 1
                                    


KHIARA PoV

Gustuhin ko mang umalis sa Class-10 ay hindi ko magawa! Dahil wala ako'ng ibang pagpipilian! Ewan ko nga kung bakit doon pa ako napunta!

Nakakairita na ang mga kaklase ko! Napipikon na din ako sa mga pinag-gagagawa nila! Hindi na maganda ang pinapakita nila at hindi na rin nagpapakita ng paggalang!

Hindi rin naman ako manhid para hindi maramdaman ang pagtataboy nila. Masakit para sa akin na hindi ko na nga maramdaman na kabilang ako sa kanila, ipinagtatabuyan pa nila.

Naputol lang ang pag-iisip ko nang tawagin ako ni Mama.

"Anak, tila ang lalim ng iyong iniisip?" pag-uusisa niya. Marahan naman ako'ng umiling at nag pilit ng ngiti.

"W-Wala po ito, Mama. Okay lang po ako." malumanay na sagot ko.

"Sige.. Pero kung ika'y may problema, huwag ka'ng mahihiyang magsabi kay Mama, maliwanag?"

"Opo."

"Halika na't kumain ka na."

Hindi ko napansin na nakapagluto na pala si Mama. Napalalim siguro ng sobra ang pag-iisip ko kaya pati iyon ay hindi ko napansin.

Matapos naming kumain ay nag paalam na ako kay Mama na papasok na. Hindi ko rin naman maitatangging nagiging mas challenging ang pag pasok ko sa Class-10, sumusobra nga lang.

Nang marating ko ang Xenon High ay pumunta muna ako ng cafeteria para bumili ng kape. Inaantok pa kasi ako dahil halos madaling araw na ng matapos ako'ng mag-review.

"Ate, isa pong kape." sabi ko nang nasa counter na ako.

Kumilos naman si Ate'ng tindera para i-prepare ang order ko. Nilibot ko naman muna ang paningin sa cafeteria habang hinihintay ang order ko.

Umaga pa lang ay marami nang estudyante dito. Siguro ay dito sila tumatambay habang hindi pa nagsisimula ang klase. May kani-kanila ring table ang kada klase rito, aircondition din ito kaya hindi ka iinitan kahit magtagal ka pa rito.

Binalik ko ang tingin sa tindera na ngayon ay palapit na sa kinaroroonan ko dala ang order ko.

"Ito na, Ineng." aniya at iniabot 'yon sa akin.

"Salamat.."

Pabalik na sana ako ng may humarang sa daraanan ko, palagay ko'y kaklase ko siya. Matangkad siya, gwapo, at mukhang mabait.

"Hello? I'm Ezekiel Lopez." magiliw na pakilala niya.

"Khiara.." maikling sagot ko.

"Papasok ka na ba? Sabay na tayo?!" napakalakas ng tinig niya daig niya pa babae. Tumango na lang ako at nagpaumunang naglakad.

"Hindi ka ba napipikon sa mga ginagawa nila sayo?" maya maya'y tanong niya habang paakyat kami sa building namin.

"Tsk! Sinong hindi mapipikon no'n 'no! Nakakapang-init sila ng ulo!" asik ko, nakakapagtaka na sa kabila ng inis ko ay nagawa niyang humagalpak ng tawa.

"Pero hindi iyon ang nakikita ko sayo.. Tinatanggap mo lahat ng katarantaduhan namin." bumuntong-hininga naman ako.

"Kailangan eh." mapait ko'ng tugon.

"Huh?"

"W-Wala." tipid na sagot ko at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Narating namin ang classroom at nagtatakang tingin ang bumungad samin. Alam ko na kung bakit..

"Bakit magkasama kayo?"

"Saan kayo galing?!?"

"Wieee!!"

Among The BoysWhere stories live. Discover now