CHAPTER 17

348 19 4
                                    


KHIARA PoV

Nakarinig ako ng ingay na siguro ay nagku-kwentuhan dahilan upang magising ako. Ngunit hindi ko inaasahan na sa pag gising ko ay gano'n na lang kasakit ang ulo at pati na rin ang likod ko.

"Argh," mahina kong daing at hinawakan ang ulo.

Nanlaki ang mga mata ko ng may bandage akong nakapa roon. Kahit nahihilo ay inilibot ko ang paningin, sa tingin ko ay nasa ospital ako dahil halos pulos puti ang nakikita ko bukod sa hospital gown na suot ko na kulay asul.

"Gising ka na pala, Khiara."

"Anong nararamdaman mo?"

"Masakit ba ang ulo mo?"

"Anong kailangan mo?"

Nakita kong naglalakad na papalapit sa akin ang Class-10. Lahat sila ay naka-uniporme pa ngunit sa tansya ko ay alas syete na siguro dahil madilim na sa labas.

"A-Ayos na a-ako." utal kong sagot.

"What happened? Anong masakit sayo?" tanong ni Ezekiel, inuusisa ang nangyare sa akin kanina.

Sasagot na sana ako ng marinig ang pagbukas ng pinto. Inilabas no'n si Ashton na mababakas ang galit sa mga mata, magulo ang kaniyang buhok at gusot ang uniporme.

Anong nangyari sa kaniya?

Gulat na may halong saya ang namutawi sa mukha niya ng mapa sa akin ang tingin niya. Naglakad siya papalapit sa akin at tinignan ang halos bawat parte ng mukha ko.

"Are you okay now?" tanong niya na abala pa rin sa pagsisipat ng mukha ko.

"O-Oo," sagot ko at nagbaba ng tingin.

Nadapo sa purselas ang tingin ko dahilan upang maalala ko si Mama, aligaga ako'ng tumayo at hindi inaasahan na matutumba pa kung hindi lang ako nasalo ni Ashton na hanggang ngayon ay nasa tabi ko pa rin.

"A-Ah, kase si M-Mama. Paniguradong nag-aalala na i-iyon."

Walang salitang kinuha niya ang backpack ko at iniabot iyon sa akin. Kaaagad kong kinuha ang telepono at tinawagan ang numero ni Mama. Makailang ring muna ang namutawi bago niya sagutin.

"Hello, Anak, nasaan ka na?" bungad na tanong niya.

"Mama, ayos lang po ako." taliwas sa tanong niyang sagot ko.

"Kasama mo ba ang mga kaklase mo? Umuwi ka na, gabi na." nag-aalala niyang wika.

"Ah Opo, uuwi na po—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil inagaw na ni Ashton ang telepono sa 'kin at siya ang nagpatuloy no'n.

"We'll take her home, Madame.. Yes po, I have something to tell you po. Alright.. Yeah. Opo. Bye." salitang narinig ko habang kausap si Mama.

"Dude, anong nagyare?" mausisang tanong ni Blaze, ni hindi ko alam kung ano ang tinutukoy.

"Later," tipid na sagot ni Ashton.

"Khiara, what do want to eat?" nabaling kay Dashney ang atensyon ko.

"K-Kahit ano," pilit ngiti kong sagot.

Tumango siya at sabay sila nina Dashil at Dark na pumunta sa maliit na dining area nitong kwarto. Umupo sa tabi ko si Ezekiel at hinawakan ang balikat ko, taka ko naman siyang tinignan.

"Ayos ka lang ba, Khiara? Sorry, nahuli ako ng dating.." nakayukong aniya

"Ano ka ba, ayos lang iyon sa 'kin. At salamat din dahil nakita mo pala ako." nakangiti kong sambit at tinapik tapik ang balikat niya.

Among The BoysWhere stories live. Discover now