CHAPTER 13

397 24 0
                                    


EZEKIEL PoV

"Hoy, Drew! Abot mo nga sa 'ken 'yung bote! Bilis!" si Dark.

Nag-iinuman kami dito sa garden nila Ashton. An'tagal naman bumalik ni Khiara.. Speaking of..

Naglalakad papunta sa pwesto namin si Khiara, naka-blue off-shoulder dress siya at black sandals. Nakaladlad din ang straight niyang buhok na hanggang balikat. Nakangiti siya habang pinagmamasdan kaming lahat.

"Eyy! Ang ganda mo, Khiara!"

"Wow!"

"Napakaganda mo.."

"Woosyooo! Dalaga na ang prinsesa namin!"

"Oo nga! Napakaganda ng ngiti mo, aming prinsesa!"

Ang Class-10. 'Yan ang sinasabi nila habang naglalakad si Khiara papunta sa table namin. Hindi matanggal ang ngiti sa kaniyang labi na siyang hinangaan ko. Kahit anong problema ang kaharapin niya, sakit na pinagdaanan niya, hirap ng kalagayan niya, nagagawa niyang ngumiti na para bang ipinapahiwatig na may umaga pa, may pag-asa pa. At ang ngiti niyang 'yon ang nagbibigay pag-asa saming lahat.

Ang dating magulo, ayaw sa kaklaseng babae, ang dating walang direksyon naming buhay ay nagkaro'n ng bagong pag-asa, nagkaro'n ng magandang pananaw at mas naging masaya ng dahil sa kaniya. At masayang masaya ako dahil siya ang naging dahilan ng pagbabagong 'yon.

"Hoy! Ezekiel, kanina ka pa tulala dya'n! Hahaha! Gandang ganda ka kay Khiara, 'no?!" pagsulpot ni Drew sa kung saan. Binatukan ko naman siya saka sinamaan ng tingin.

"Siraulo!" asik ko. Tumawa lang ang gag*.

"Psh! Tanggi ka pa eh, halatang halata ka naman! Hahaha!"

"Tumigil ka nga! Natulala ako dahil may naisip lang ako. Dun ka na nga! Uminom ka na lang! Chupi!" pagtataboy ko.

Idadamay mo pa 'ko sa kalokohan mo!

Naglakad siya palayo habang tatawa-tawa pa rin. Lasing na siguro ang gag*ng 'yun. Bumalik ang tingin ko kay Khiara. Nando'n siya sa table ni Dashney.

Nararamdaman kong unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Khiara kay Dashney, hindi naman kaso sa 'ken 'yun. Ang 'aken lang.. 'wag na 'wag lang siyang masasaktan dahil ako mismo ang unang susuntok at mananakit kay Dashney sa oras na mangyare 'yon.

Tumayo ako at kumuha ng alak sa mesa. Pabalik na sana ako ng marinig ko ang munting boses ni Khiara na tinatawag ako, so nilingon ko siya. Kinawayan niya ako at niyayang do'n na sa table nila umupo.

"'Lika! Dito ka na samin sumabay!" nakangiti niyang anyaya. Tumango ako at umupo sa harap nila.

"Kumain ka na?" tanong ko at sumimsim ng alak. 

"Hindi pa, pero mamaya na. Busog pa naman ako eh." sagot niya, tumango ako at sinubuan siya ng maliit na heart chocolate.

"'Yan na lang muna kainin mo, hehehe."

"Salamat, Ez."

Nagtangka siyang kumuha ng alak na dala ko pero kaagad kong pinigilan ang kamay niya at pinaningkitan siya ng mata. Ngumuso ito na parang bata at itinuro ang wine. Umiling ako ngunit patuloy pa rin siya sa pagturo.

"Hayss!" singhal ko, talo ako. Kinuha ko ang bote ng wine, hindi naman iyon masyado matapang kaya alam kong kaya niya. Ayaw ko lang siyang bigyan lalo na't hindi pa siya kumakain.

Sinalinan ko ang wine glass pero kaunting kaunti lang, hindi nga nakalahati ang baso. Iniabot ko iyon sa kaniya. Kukunin niya na nasa iyon ng harangan siya ni Dashney.

Among The BoysWhere stories live. Discover now