CHAPTER 15

366 22 16
                                    


KHIARA PoV

"Sino at anong ginagawa ng mga babaeng 'yan sa room natin?!" asik ni Drew.  Medyo malakas ang pagkakasabi niya dahilan upang mapatingin sa kaniya ang mga babae.

"Good morning, Khiara!" bati nina Dark at Ezekiel at pumunta sa gawi ko.

"Magandang umaga rin," balik bati ko at ngumiti.

"Hinahanap ka ni Dashney.." tinig ni Dashil ang narinig ko kaya napasa kaniya ang atensyon ko.

"B-Bakit?" tanong ko, nagkibit-balikat lang siya at saka tumalikod.

"Lagot ka, Khiara! Anong ginawa mo ah?" nakakalokong ngiti ang namutawi sa mukha ni Ez.

"Ano?! Wala ah! Wala nga ako'ng ginagawa 'no!" pasinghal kong sagot, pero sa halip na tumigil ay sinabayan pa siya ni Dark na mang-asar.

Mga walang magawa. Muli ko lang silang sinulyapan bago lampasan at pumunta kay Dashney.

"Magandang umaga," bati ko at umupo sa tabi niya.

Kami na talaga ang magkatabi simula ng maging kaibigan ko siya. Tumabi nga lang samin si Ezekiel. Nginitian niya ako at may iniabot na paper bag, taka ko siyang tinignan at hindi kinuha ang iniaabot niya.

"Accept it. I'm sorry," nakayuko niyang saad at ipinatong na lang ang dala sa desk ko.

"A-Ano bang sinasabi mo? H-Hindi kita maintindihan eh." naguguluhan kong sambit.

"Nothin', babawi lang ako."

Ano daw? Literal na hindi at wala man lang ako'ng naintindihan sa mga pinagsasasabi niya. Gulong-gulo ako.

"Hoy! Mamaya na 'yan! 'Andyan na si Sir!" si Ezekiel.

Palihim ako'ng tumawa ng samaan ng tingin siya nang tingin ni Dashney. Maya maya lang ay dumating nga si Sir Albert, kasabay si Ashton. Lagi ba siyang late? Nagmumukha siyang supervisor sa datingan niya! Hmp!

"Good morning," pormal na bati nito.

"Good morning, Sir." bati namin nina Ezekiel at Dashney. Mabuti na lang sumabay na sila.. Mag-isa ako'ng bumabati dati eh.

"So, Class-10, you have a new classmate again.." aniya.

Kaniya-kaniyang reaksyon ang narinig ko. Nagmamaktol, nagrereklamo, at ang mga pala-tanong.

"Come here, Ms. Okasa, Ms. Marasigan and Ms. Alarcon. Introduce yourselves," muling sambit ni Sir Albert ngunit sa halip na tumahimik ay mas lalong naging magulo ang klase.

Walang gustong makinig at makilala ang bago naming kaklase, ramdam ko ang pag-aalinlangan ng mga babae habang naglalakad sila papunta sa unahan.

"H-Hello, everyone. I'm Ashlynn Okasa, 16 years old. Nice to meet--" hindi pa man nito natatapos ang sasabihin ng paulanan sila ng papel na para bang walang guro sa harap.

Naalarma ako sa ginawa nila. Tumayo ako at hinarap ang Class-10. Nagulat sila sa pagtayo ko. Mataman ko silang tinitigan dahil ayoko rin namang sa 'kin mabaling ang inis at pagkaburyo nila.

"P-Pwede ba, patapusin niyo sila. Kung hindi kayo interesado, kahit konting respeto." malumanay, mahinang sabi ko pero sapat lang para marinig nila dahil natahimik ang buong klase.

"Kung ikaw ayos lang na may bagong kaklase, kami hindi!" angal ni Jack, kita ko ang pagsama ng tingin ni Ashton dito.

"Shut up, Jack!" pabulong na asik ni Ashton ngunit umabot sa aking pandinig.

"Khiara's right, we're not interested and they understand it." sabat ni Dashney.

Umupo ako at muling itinuon ang atensyon sa harap. Maamo ang mukha ni Ashlynn, mahahaba ang  pilik-mata niya na nakikita sa salamin na suot niya. Matangos na ilong, mamula-mulang pisngi at labi, at kayumanggi ang kulay.

Among The BoysWhere stories live. Discover now