CHAPTER 3

623 28 0
                                    


KHIARA PoV

Hanggang kinabukasan ay wala ako sa sarili ko. Patuloy na iniisip kung bakit may dugo sa panyo ni Mama! Kahit ayokong mag-isip ng hindi maganda ay hindi ko maiwasan.

Nang makita ko siya ay muli na namang pinaligiran ng luha ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang ako'ng kinakabahan.

Nang mag tama ang aming paningin ay doon ko nakita na sa likod ng bawat ngiti niya ay may pinagdaraanan siya. May sakit t'wing tititigan ko ang mga mata niya.

"May problema ba, Anak.?" tanong niya, iling lang ang tugon ko dahil baka kapag nag salita ako ay tuluyan ng mabasag ang boses ko at umagos ang mga luha ko na kanina pa nagbabadyang lumabas.

Nag sasalita siya ngunit ang nagagawa ko lang ay ang makinig, umiling at tumango. Alam kong nararamdaman niya na iyon pero hindi lang niya pinapansin dahil baka naisip niya na ayoko munang mag salita.

Kalaunay tumigil din siya. Sa t'wing titignan ko siya ay nakangiti siya.. pero sa ngiting iyon ay makikita mo'ng may pinagdaraanan siya. At iyon ang kailangan kong alamin.

Matapos kong mag-agahan ay nagpaalam na ako at sa wakas ay nakapagsalita ako.

"M-Ma? Aalis na po a-ako." paalam ko. Nilapitan niya naman ako at niyakap.

Sa yakap lang niyang iyon ay gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko. Nakayuko ako'ng naglakad palabas kasabay ng mga luhang isa isang tumulo.

Hindi ko maintindihan dahil pakiramdam ko ay may itinatago si Mama, at pakiramdam ko ay mawawasak ang mundo ko sa oras na malaman ko iyon.

Nang marating ko ang Xenon High ay dumiretso kaagad ako sa building namin at naglakad papunta sa room. Tulala rin ako habang nagkaklase at wala rin ako'ng imik hanggang sa dumating ang Lunch break.

"K-Khiara? Okay ka lang ba?" nahihiyang sabi ni Ezekiel habang nagla-lunch kami.

"Ha--Oo naman." pilit ngiting sagot ko.

"Kanina ka pa tulala dyan eh." muli niyang sabi.

"May iniisip lang ako." pagdadahilan ko.

"If you don't mind. You can share it with us." sabat naman ni Dashney ngunit nginitian ko lang siya.

"Kain na tayo.." pag-iiba ko ng usapan.

Habang kumakain kami ay naisip ko na naman si Mama.. Ano na kayang ginagawa niya? Kumain na kaya siya? Hays.

"Sandali lang ah? Bibili lang ako ng tubig." sambit ko at tumayo.

"Ako na." si Ezekiel kaya tinapik ko lang ang balikat niya at umalis na.

Pumunta ako sa counter at om-order, nang makuha ko na ang binili ko para samin nila Dashney ay naglakad na ako pabalik sa pwesto namin kanina.

Kita ko rin na papunta roon ang Class-10.. Ang totoo ay ngayon ko lang sila makakasabay na kumain.

ASHTON PoV

Napagdesisyonan na nilang kumain sa cafeteria. Lumabas kami at nagtungo roon. Halos lahat ng Class-10 pwera kay Dashney at Ezekiel ang kasama ko. Tuloy ay panay ang tili ng mga babaeng nadaraanan namin.

"Ghad! Their so handsome!!"

"You're right! Ashtoooon!!"

"Nah! Blaaaaaaze!!"

Marami pa silang isinigaw na pangalan pero hindi ko na iyon pinakinggan pa dahil naririndi lang ako sa ingay nila!

Habang papunta kami sa table namin ay naglalakad din papunta ro'n si Khiara na siguro ay kagagaling lang sa counter. Halatang wala ito sa sarili at ang lalim ng iniisip.

Among The BoysWhere stories live. Discover now