CHAPTER 11

417 21 1
                                    


KHIARA PoV

"Khiara?.." muling pagtawag ni Dark. Dahil do'n ay natauhan ako.

Kaagad ko siyang nilingon at nag-aalalang mukha niya ang sumalubong sa 'kin.

"Are you okay?" tanong niya, tango lang ang isinagot ko saka nagpaumunang maglakad..

Anong ginagawa nila do'n? Kasama din kaya sila sa celebration mamaya?

◐◐◐       

"Hey! Tara na, amababagal niyo!" sigaw ni Xiann.

Nandito kami ngayon sa parking lot ng Mall at si Xiann ay nauuna na. Tumakbo ako papunta sa kaniya dahil mainit, kumapit ako sa braso niya na siyang ikinagulat niya.

"O-Oh. Kung nandito 'yun. Baka nakahiga na 'ko ngayon dito sa kalsada." bulong niya na hindi masyadong malinaw sa pandinig ko.

"Ano 'yun?" usisa ko. Nilingon niya ako at mabilis na umiling kasabay ng pagpilit ng ngiti.

"W-Wala. an'sabi ko tara na at mainit." anyaya niya at nilingon ang Class-10.

"Hindi ba sasama satin sina Ashton at Dashney?" muli kong tanong ng makapasok na kami.

"Naghahanda na kasi sila.. Sila ang may gustong mag-ayos ng para sa celebration natin mamaya." sagot niya sabay lingon sa 'kin.

"Hey, Khiara!" tawag nina Ezekiel at Dark.

Sumabay sila samin ni Xiann sa paglakad. Sa totoo lang, kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao dito sa Mall. Pa'no naman kasi, ang iingay ng mga kaklase ko at 'di ko namang maitatangging may itsura silang lahat.

"Look! Their so handsome!"

"Yeah. And the only girl there, oh!"

"Gash, she's so lucky!!"

"I hope ako na lang si Ate girl!"

Bulung-bulungan ng mga babaeng sa tingin ko ay kaedad lang namin. Ang iba sa mga kasama ko ay pinansin ang tatlong babaeng 'yon ngunit ang karamihan ay ni hindi man lang sila tapunan ng tingin.

"Sa'n tayo?" hindi ko na napigilang magtanong.

Kanina pa kasi kami lakad ng lakad. Hindi ba sila napapagod? Dahil ako, kanina pa nangangalay ang paa ko! Sumagot sila ngunit sabay-sabay dahilan upang hindi ko gaanong maintindihan.

"Sa Chinese Restaurant." si Dark.

"Sa Ice Cream shop." sina Ez at Xiann.

"Department store!" sina Blaze at Drew.

"National bookstore?" sina Ace at Dashil.

"Cinema!" si Jack..

"Sandali!" pigil ko. "Hindi ko kayo maintindihan eh! Sabay-sabay kayo kung magsalita. Isa-isa lang, mag-isa nga lang ako eh!" dugtong ko pa.

Bumungisngis naman sina Xiann, Ez, Dark, at Drew. Ang iba naman ay napailing habang natatawa rin. Nagtaas ng kamay si Blaze kaya napunta sa kaniya ang atensyon ko, naming lahat.

Among The BoysWhere stories live. Discover now