CHAPTER 1

1.1K 39 15
                                    


KHIARA PoV

"Good morning.. Class-10? You have a new classmate, you have to welcome her understood?!" maawtoridad na sabi ng Dean, ramdam ko ang pagdidiin niya sa salitang 'her' ng banggitin niya ito.

"Yes, Dean." sang-ayon ng iba ngunit ang karamihan ay ngumiwi lang at hindi na nag-abala pang sagutin ang Dean.

"Okay, hija, I have to go.. I have meeting with the Dean of YDA." baling niya sa 'kin.

"Okay po." tanging sagot ko.

Lumabas na din siya matapos mag paalam sa guro. Lumapit naman ito sa akin at nagpakilala.

"Hi, I'm Albert Cruz, I will be your adviser for this year." nakangiting saad niya. "Introduce yourself." dagdag pa niya.

Naglakad ako papunta sa harapan at nagpakilala. Inikot ko muna ang aking paningin bago ibaling sa kaharap ang atensyon.

"I'm Khiara Jane Dela Fuente, 16 years old." maikling pakilala ko, nginiwian lang nila ako at ni hindi man lang iwinelcome! Tss!

"You can take your sit, Miss Khiara." sabat ng guro kaya naglakad ako papunta sa vacant seat sa may bintana.

Habang hinahakbang ko ang paa ko ay siya namang pagsunod ng mga mata nila habang naglalakad ako. Dumeretso na lang ako sa upuan ko at itinuon ang atensyon sa guro.

Lumipas ang oras hanggang sa Lunch break na. Dahil hindi ko alam kung sa'n ang cafeteria sinundan ko na lang ang iba kong classmate na lumabas. Kalaunay narating ko iyon.

Pumila ako sa counter at om-order. Matapos no'n ay tumalikod na ako, ngunit sakto namang paghakbang ko ay may nakabungguan ako dahilan upang matapunan ng kaunti ang uniporme niya.

"Bitch! Are you blind?!!" nanggagalaiting sigaw niya habang tinitignan ang parte ng damit na natapunan.

"I'm sorry." senserong usal ko at hindi na pinansin ang tinanong niya.

"Ha! Did you think your sorry is enough!?" sigaw niyang muli.

"Hindi! Pero sorry."

Hindi ko na siya pinag aksayahan pa ng oras dahil tumalikod na ako. Narinig ko pa siyang sumigaw pero hindi ko na siya nilingon pa.

Bumalik na lang ako sa room at bahagyang nagulat pa ng makitang kumpleto na sila na para bang hindi umalis kanina. Hindi ko na sila pinansin at naglakad na lang papunta sa pwesto ko.

As usual.. sinusundan na naman nila ako ng tingin. Binigyan ko sila ng nagtatakang tingin dahil hindi pa rin nila inaalis ang paningin sa 'kin.

May kinuha sila sa sahig habang nakatingin sa mga mata ko. Nang makita ko kung ano ang kinuha nila ay dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko.

'Bola ng socker, volleyball at BASKETBALL!!'

Bago paman ako makahakbang paalis ay binato na nila ako ng bola kasabay ng kani-kanilang sigaw!

"Attach!!"

"Yaah.!!"

"You don't belong here!"

"Get looosssttt!"

Nang kukunin ko na ang bag ko ay sakto namang may bumato ng bola ng basketball sa 'kin at tumama sa noo ko dahilan upang mawalan ako ng balanse.

Hindi ko na ininda pa ang sakit no'n at dali-dali na lang tumakbo palabas at dumeretso sa cr. Nang marating ko iyon ay tinignan ko ang sarili ko at bumuntong-hininga.

'Unang araw palang pero may bangas na ako.. Pa'no pa kaya sa susunod na araw, baka ma-comatose na ako.'

Natawa ako sa naisip na 'yon. Sinimulan ko ng ayusin ang sarili ko at nilagyan ng band-aid ang sugat sa noo ko. Matapos kong magsuklay ay bumalik na ako sa room.

Among The BoysWhere stories live. Discover now