CHAPTER 4

593 31 1
                                    


ASHTON PoV

Papasok ako sa Xenon High ng naka sabay ko si Khiara. Medyo, nauuna lang siya ng kaunti. Nang malapit na kami sa pinto ay bigla na lang siyang natumba.

Pilit niya sanang inaabot ang pinto ngunit hindi siya umabot. Mabuti na lang at nahawakan ko ang braso niya bago siya tuluyang matumba.

"S-Sorry.." iyan ang sabi niya at dali-daling umayos ng tayo. Tinanguan ko naman siya.

Nagpatuloy siya sa pagpasok niya room. Pansin ko ang pamumutla niya, siguro ay may sakit siya. Sumunod na rin ako sa kaniya.

"Okay.. Class? Alam niyo naman na ang sa Acquiantance Party, syempre sa representative natin sa girl ay si--Miss Khiara. Then, sa boy?" ani Mr. Cruz, ang adviser namin.

"Miss Khiara? Pwede bang pumunta ka rito sa unahan?" dagdag pa niya. Pero parang walang narinig si Khiara dahil nasa labas ang kaniyang paningin.

"Miss Khiara?" pag-uulit niya.

"Khiara?"

Tumayo si Ezekiel at naglakad papunta sa harapan ni Khiara at bahagyang kumaway upang kunin ang atensyon ng babaeng kaharap.

"Khiara, kanina ka pa tinatawag ni Sir." ani Ezekiel, doon ay natauhan si Khiara at biglang napatingin kay Sir.

"Ha?--Ano po 'yon?" natataranta niyang tanong.

"I am inviting you here.. In front."

Naglakad si Khiara papunta sa harapan, kita ko na nahihirapan siya at parang may sakit talaga siya.

"Okay.. If I would be the one who choose for the boy representative, I chose Mr. Davidson." muling sabi ni Sir kaya napataas ang kilay ko.

What?! Why am I?

"Is it okay with you, Mr. Davidson?"

"Uhm--" hindi niya na ako pinatapos dahil muli na siyang nagsalita.

"Great!"

Tss! Hindi man lang niya ako pinagsalita. At hindi man lang niya tinanong si Khiara pero, sabagay.. Tsk.

"Our representative are.. Miss Khiara Jane Dela Fuente and Mr. Ashton Jaze Davidson.." sambit niya at pumalakpak na parang batang binigyan ng candy!

◐◐◐

Nang dumating ang Lunch break ay sabay-sabay na kaming pumunta sa cafeteria. Sinabay na din namin si Khiara dahil kasama siya nina Ezekiel at Dashney.

Habang umo-order kami ay biglang may kumapit sa braso ko at hinalikan ang pisngi ko. Si Shainna!.

"Fvck off! What are you doing here?!" pasigaw na tanong ko dahilan upang pagtinginan kami ng mga tao sa cafeteria.

"Uhm-You didn't missed me, baby?" malambing niyang sabi na hindi man lang pinansin ang pagka-irita ko.

"Tss!" tanging singhal lang ang sinagot ko at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Hahaha! I know.. You missed me!" tuwang tuwang sabi nito.

"I didn't missed you!!" mariin kong sabi.

Hindi ko na siya pinansin pa at bumili na lang ng pagkain. Matapos ibigay sa akin ang pagkain ko ay pumunta na ako sa table namin. Nakasunod na naman sa akin si Shainna!

"Hey! Aren't you gonna invite me?" muli na naman niyang sabi.

"No!" malamig ko'ng sagot.

Sumunod namang dumating sina Ezekiel, Dashney, at Khiara kasama ang Class-10. Umupo sa harap nina Ace si Khiara at nasa magkabilang gilid naman niya naman ang dalawa.

Among The BoysWhere stories live. Discover now