CHAPTER 12

376 22 5
                                    


ASHTON PoV

Kita ko ang paghanga sa mga mata ni Khiara. Nakangiti siya habang inililibot ang paningin. Wala sa sarili napangiti ako, tuloy ay nakita iyon ni Xiann.

Kesyo hindi daw ako ngumingiti, hindi tumititig kanino man, at ni hindi binibigyan ng atensyon ang  ibang tao pero pagdating kay Khiara ay nakukuha ang atensyon ko.

"Shut up!" pabulong ko'ng asik.

Tawa lang ang isinagot niya sa 'kin at nagpaalam na kukuha ng cake sa kusina. Matakaw talaga!

"Ashton! Penge nga ako ng damit?" si Ezekiel, tumaas ang kilay ko kaya nagpatuloy siya. "Para kay Khiara, kanina kase gusto niyang magpalit sa bahay nila. Pero sinabi namin na dito na lang dahil may damit naman dito." mahaba nitong dugtong.

Tumango ako at sinamahan siyang pumunta sa kwarto ni Emzlee, may malalaki naman siyang damit na kakasya kay Khiara. Kumatok ako ng isang beses at binuksan ang pinto

Alam niya na kapag isang beses lang ang katok ay ako ang taong nasa likod no'n at hindi ko na rin hinihintay siyang sumagot dahil kaagad ko na iyong binubuksan.

"Hi, Kuya!" bati nito na sandali ako'ng sinulyapan at saka ibinalik ang tingin sa kaniyang laptop.

"Can you give me your extra clothes?" saad ko at lumapit sa kaniya.

"Why? Anong gagawin mo sa mga damit ko?" nakakunot noo'ng tanong niya.

"May bagong kaibigan si Ezekiel, and she needs clothes for her to change." umupo ako sa  bandang dulo ng kama niya at hinintay siyang kumilos.

"What!? Classmate mo ba 'yon? Can I see her?? Can I met her?!" excited niyang tanong habang nanlalaki ang mga mata.

What!? That's her reaction? Ang alam ko ay hindi siya friendly, did the world still spinning? Pft.

"Yeah. She's downstairs." simple kong sagot.

Ang ikinagulat ko pa ay ang dali-dali niyang pagkilos habang tatalon-talon pa. Bumuntong-hininga ako at pinanood siyang kunin ang extra niyang damit.

"Matangkad ba siya? Mas malaki ba sa 'kin?" tanong niya habang abala pa rin sa paghahanap sa walk-in-closet niya.

"A little bit."

"There!" masayang aniya at ipinakita ang dress niyang off-shoulder na kulay blue. Above the knee iyon. Sigurado ako'ng kasya iyon kay Khiara at bagay iyon sa kaniya.

What I am talking about!? I'm crazy!

"Okay, come on." wika ko at kinuha ang dress.

"Wait, Kuya. Hindi lang iyan ang kailangan niya, ako na ang bahalang magbigay sa kaniya nyan at ng ibang kailangan niya." nakangiting aniya at kinuha ulit ang dress sa 'kin.

Tumango ako at iniwan siya, she's right. Hindi lang 'yon ang kailangan ni Khiara. Weird. Hindi naman gano'n si Emzlee, medyo ilap siya tao, hindi masyadong friendly at madalang na nakikisalamuha sa iba.

EMZLEE PoV

Yiiiiieee!! I want to meet that girl! I'm so so so excited!! Nang makalabas si Kuya ay kinuha ko na ang iba pang kailangan ni Ate, at inihanda ko na rin ang susuotin ko. Pink dress sa 'kin na gano'n din ang disenyo kay Ate.

Abot tenga ang ngiti ko ng bumaba ako papuntang sala kung nasa'n sila. As usual, maingay na naman dito sa mansion. Ganito ang nangyayare t'wing nandito ang mga kaklaseng 'yan ni Kuya. And it's so annoying!

Pero ngayon? Hindi ako naiinis dahil sa ingay nila kasi excited akong makita si Ate na hindi ko pa alam ang pangalan. Naagaw ko ang atensyon nila ngunit hindi ko iyon pinansin.

Among The BoysWhere stories live. Discover now