CHAPTER 14

377 21 1
                                    


JACK PoV

"Hehehe.. Gagawa ulet ako." palusot ni Dashney ng paulanan namin siya ng masamang tingin.

Psh! Sinasadya ba 'yun ng gag*ng 'yun!?

"Hoy! Bilisan mo na, ulol!" inis na sigaw ni Xiann.

"Ikaw ha!? 'Wag mo 'kong masigaw-sigawan dya'n!" balik na asik ni Dashney. Nagpilit ng tawa si Xiann saka nag-peace sign.

Napapailing ako'ng lumabas muli ng bahay. Umuulan pa rin ngunit hindi na gano'n kalakas tulad nung kanina. Dala ko ang wine glass at umupo sa hagdan papuntang garden.

Mula rito ay dinig na dinig ko pa rin ang ingay ng Class-10, nagtatawanan, nag-aasaran. Sumimsim ako ng alak at tumingala upang makita ang kalangitan. Makulimlim ngunit may nag-iisang bituin sa langit. Makinang iyon at siya lang ang namumukodtangi sa lahat dahil kahit umuulan ay nariyan siya.

Rinig ko ang yabag ng paa na papunta sa direksyon kung nasa'n ako. Ramdam ko rin ang pag-upo nito sa tabi ko at base sa amoy nito ay si Khiara. Pambabae ang amoy.

"Uhm--"

"What do you want?" putol ko sa sasabihin niya.

"K-Kase tapos ng gumawa si Dashney, yayayain sana k-kita." sambit nito at tumingin sa 'kin ngunit nanatili ako'ng nasa langit ang paningin.

"You better go inside. Susunod na lang ako. Hindi mo na 'ko kailangan pang sabihan." malamig na sabi ko at nilingon siya.

"'Wag na! Halika na! Nandito naman na ako kaya sabay na tayo!" nakangiting aniya.

"Can't you understand--" ngayon naman ay ako ang pinutol niya.

"Naiintindihan kita, Jack. Ang gusto ko lang ay sabay na tayong pumasok sa loob. At tsaka, malamig na kaya halika na!"

Bumuntong-hininga ako at umiling. Ang kulit ng babaeng 'to. Tumayo ako na siyang kinaliwanag ng mukha niya. Psh! Happy now?

"Tara," sambit niya at hinila ako sa braso.

"Fvck off!" mariin ko'ng sabi ngunit parang wala narinig ang babaeng 'to dahil hindi man lang binitawan o niluwagan ang pagkakahawak niya sa 'kin.

"Alam niyo ba!?"

"Hindi!"

"Gag*! Syempre hindi ko pa sinasabe!"

"Kaya nga sabihen mo na!!"

"Kasi napapansin ko, may gusto na si Khiara kay--"

"Hoy! Kanina ko pa kayo tinatawag! Ano ba!?" pasigaw na sabi ni Ezekiel.

"Wah! Panira ka naman eh!" nakabusangot na sagot ni Drew dito na ginulo pa ang buhok niya.

"Sige na 'tol, sabihin mo na!"  naaatat na utos ni Blaze.

"Hahaha! Nagbibiro lang ako naniwala naman kayo?! Pft," natatawang sambit ni Xiann.

"Hay naku! Wala ka talagang magawang matino, Parker!" si Dashil na iiling-iling pa.

"Oo! Puro katarantaduhan lang ang alam mo!" si Dark. 

"Psh!" si Ace at ako.

"Grabe naman kayo! May alam naman ako'ng iba! Hindi lang kalokohan 'noh!?" nakanguso niyang pagtatanggol sa sarili.

"Hoy! Ano 'yang pinag-uusapan niyo? Pasale naman! Ang daya niyo ah," pagsulpot ni Khiara sa gilid ko kaya nanlaki ang mga mata ni Xiann.

"Wala!" sabay-sabay naming sabi.

Among The BoysWhere stories live. Discover now