STB Session 1 *Sapatos*

11K 139 11
  • Dedicated to Me, Myself and I
                                    

____________________________

SESSION 1

“HOOOOOY! YUNG MGA SAPATOS MO!”

 

Aigraaaaabeh…  sermon na naman. Malakas pa sa alarm clock ko ang boses ng ate ko eh. Sura. Kahit kelan, NAGGER!

“mamaya naman!”

“mamaya itatapon ko are!”

“o bat mamaya pa, bat di pa ngayon?”

“Isa.”

Okay. Nagtatakbo na ako para kunin lahat ng sapatos kong nakakalat sa sala. Pag nagsimula na syang magbilang na sya, ibig sabihin malapit na ang katapusan ko.

“susunod din pala, ang damin pang sinasabi.”

“eh ganun ako eh, bakit ba?”

“bat di kasi pagkakahubad ilagay sa tamang lagayan!”

“eh tinatamad akong kunin sa sahig ang sapatos ko eh. Nakakatamad yumuko.”

“kapag ako tinamad pagsabihan ka, susunugin ko lahat yan.”

“maghahanda na ako ng tubig.”

Pasensya kung burara ako. Eh kasi ako yung babaeng kung san naghubad, dun na forever yung hinubad ko – maliban naman sa mga churvaness kong undies.

“Alis na ako!” sigaw ko habang tumatakbo palabas ng gate ng nakaheels. HEELS mga ate. Usapang barkada kahit labag sa kagustuhan ng maganda kong paa.

***

“Aba ang aga ah,” sabi nung kamag-anak ko ATA. di ko sure eh. dameng FC dito. [Feeling close]

“Ah opo, ang aga pa nga po,” – ang aga para sa mga estudyanteng 8am ang class. Ano nga bang oras ng time ko? 7am. Anong oras na? 6:30. Sabi ko nga ANG AGA PA.

Lumingon ako. wala lang, baka may gwapo eh.

Paglingon ko…

( ˚_˚ )

(¬_¬)

( ˚_˚ )

(¬_¬)

( ˚_˚ )

“kkkkelangan ko'y ikaaaaw... dito sa buhay kooo...!!”

 

FISHING. :’3

Ang gwapo nga. Ang perfect naman ng shape ng panga nya. ang tangos ng ilong at ang pula naman ng labi nya… at ang gwapo ng tabas ng mga braso nya… ang weird ko nu? Pati braso pinagnanasahan.

“PEEP PEEP! O ineng Batangas!”

She's the Boss! [PUBLISHED]Where stories live. Discover now