STB Session 74 *Walang Iwanan*

1.6K 36 0
                                    

Super long update. :D

_____________________

SESSION 74

 

[MAGGIE]

This is for the best… I guess?

 

Dire-diretso sya sa kwarto ko at pinagkukuha ang mga damit ko. Ni hindi naman ako makaangal kasi nga takot ako sa kanya. Pagkatapos nyang mailagay lahat ng damit ko sa bag, lumabas sya ng kwarto. Nang hindi ako sumunod binalikan nya ako.

Tatayo ka nalang dyan?” mataray nyang sabi. Agad naman akong sumunod sa kanya.

Bago pa man kami makaalis, dumating ang kapatid ko. At hindi maganda ang tingin nya sakin. “AT san ka na naman pupunta aber?

Uhm ano,” napatingin kagad ako kay Guji. Malay ko ba sa plano nito.

May photoshoot po sya sa Taguig kasama si Yannie. Ihahatid ko lang po,” sabi ni Guji.

At sino ka naman aber?

NAKO PATAY. Hindi nya alam na may boyfriend ako, at pag nalaman nya… IBIBITIN NYA AKO PATIWARIK!

Sisterrette!” pa-bakla nyang sabi. EW. Bat ang bilis nyang magshift ng mood?! “Nako sis!” may pagkaway pa sa ate ko, KADIRI! “Ikaw pala yung sis nitong si Bes! Layo ng fez value sa isa’t isa a! Kalurkey itey! Pasensya na ha? Di pa tayo nagmeet ng fez-to-fez! Uver beauty mo teh! Alam mo sis? Chinichika ka nito sakin!

At ako? Nakanganga lang pero nung sinamaan nya ako ng tingin, tumango tango lang ako sabay harap sa ate ko. Sabay smile! “Peace tayoooow! Daldal mo kasi Bes!” sabay siko kay Guji. Nagalit lang sya. Hmpf.

Okay. May duty ako ng isang linggo sa St. Peter a. Kelangan pagbalik ko nasa bahay ka na. Mukha ka ng photoshoot.

K fine.” yun ay kung aabot pa ako ng isang linggo. 2 days nalang May 19 na e. 2 days nalang… papatayin na nya ako.

Tahimik lang kami parehas habang nagdadrive sya. Gusto ko sanang itanong kung san nya ako dadalhin pero wag na lang. Ginawa ko ang gusto ko dati kaya bahala na sya ngayon kung anong gusto nyang gawin.

Siguro nga mali na inilihim ko ‘to sa kanya until the very end. Pero… lahat naman di ba nagkakamali? Di ako exemption.

Habang nasa byahe, pinag-iisipan ko pa rin kung sino sa tatlong yon ang tryador. Si Klein ba? O si Jason? Baka si Fred?

O baka naman hindi ang B4? Baka sina Uno? Sila lang naman palagi ang naghahamon ng away kina Guji dati e. Si Seven kaya? Malaki ang galit nya sa mundo e.

Si Seven ba?

Eh pano ‘tong dart? Ang B4 lang naman ang tumatambay sa treehouse a.

Pero nung New Year’s Eve kasama namin sina Uno non. Posible kayang isa sa kanila ang kumuha ng dart sa tree house?

She's the Boss! [PUBLISHED]Where stories live. Discover now