Balik short updates na po ako. HAHA. Binusog ko lang kayo last time sa chika. HAHA.
_______________
SESSION 60
[GUJI]
Lagot ‘to sakin.
“Bakit sya?” nakakaasar e. Pede namang ibang babae, kelangan pang si Janella. SA HARAP KO PA?! Bastos lang e. “Baka gusto mong masaktan?”
“It was just a game Guji. Don’t take that seriously. It’s no big deal,”
“Para sayo. Pero para sakin big deal ‘yon. WAG MO ‘KONG AAGAWAN.”
Ngumiti lang sya sakin. ABA?! “Ano ka ba naman Guji! Best friend kita, hindi kita aagawan noh.”
“Do you like her?”
“No.”
“Do YOU like her?”
“Guji, no.”
“For the last time Yvan,” Matagal ko na kasing napapansin ‘to. Anong akala nya sakin, bobo? “Do you like her?!”
This time tinitigan nya lang ako. Bangasan ko na kaya ‘to?!
“ごめんなさい”
So then. Truce over.
*******
[MAGGIE]
D*mn. We look perfect together.
Dumating sa bahay ang dalawang copies ng UFashion Mag na pinagtrabahuan namin noon. PATI YUNG SWELDO KOOOOOO! Shemay ambango ng dugo’t pawis ko!
THUD.
“Hoy! Adik ka ba?! Wag mo ngang amuyin yan!” sabi ni Ate pagkatapos nya akong paluin ng rolyo ng papel. “Penge naman o!”
“NYE! Ayoko nga! Akin ‘to!” tinago kagad ang 5K na sweldo ko. FIVE THOUSAND DIN YON! Mayaman ako sa bagong taon shet!
Binrowse ko ang magazine at grabe naiiyak nalang sa mga nakikita ko – SHOTS KO ‘TO LAHAT! Nakakaiyak naman talaga… ang mas nakakaiyak pa dito ay yung napatigil ako sa centerfold.
Yung Winter Wedding… si Guji… at si Maggie… Ako at si BD… T*NG*NA I’M MELTING!
“O bat nandyan ka?” agad kong sinarhan yung magazine! “Ay hindi pala. Masyadong maganda yon. Imposibleng maging ikaw,” sabay walk-out.
=___= ATEEEEEEEE!!!
BINABASA MO ANG
She's the Boss! [PUBLISHED]
Teen Fiction[404 Teen Fiction] [COMPLETED&PUBLISHED in English Version] Once upon a time, a mango fell from above. She caught it. He jumped down. Eyes to eyes, they... hated each other at different time laps. Guji hated her at first sight. Maggie hated him at s...