STB Session 2 *B4*

5.9K 109 4
                                    

 

________________________________

SESSION 2

 

 

[Maggie’s POV]

 

7am ang class ko pero anong oras na?

7:50!

At tumatakbo paren ako sa hallway at nagkakandarapa sa stairs. Hindi kasi uso dito ang elevator – props lang eh. Kelan binubuksan? PAG MAY ACCREDITORS. =_=

Ack!”

As usual. Pag may tumatakbo may nababangga.

At yung mga nababangga, napapaupo sa sahig.

This time nagbounce back ako.

Ang taba ng nabunggo ko eh parang unan.

“Ai sorry.” Sabi nung si Taba.

“Ah sige, okay lang.”

Pagtingin ko sa kanya… may realize ako.

SIYA YUNG BABAE SA JEEP KANINA NA ANG BRASO AY BINTI KO NA!

tadhana nga naman o. Lord, pinagtagpo mo ba kami para pulaan ko ulit? Man, masyado nyo naman ata syang kinakawawa.

“Late ka na ata, sige na,” at tumabi sya sa daan at nagmake way para sakin. Aba, bait ah? ayos ka. “mauna ka na, mabagal akong maglakad eh,”

“Ah sige… salamat.”

 

Hmmm.. di lang pala sya mayaman sa taba at cholesterol… mayaman din sya sa kabaitan. Like kita girl. :’>

**

Sa harap ng Rm.302…

Silip silip sa bintana.

Ui nagsusulat sa board si sir. Ayos to.

I turned the knob.

Dug dug.

Dug dug.

Dug dug.

Hay ano ba yan, first time kong gagawin to ah.

Pagbukas ko ng pinto…

CREEEEAAKK!

 

P*cha ingay ng pintong to! nagtinginan sakin ang mga kaklase ko. tas ayan na o..

Ayan na..

Lilingon na syaaaaa!

1…

2…

3…

UPO!

YUKO!

She's the Boss! [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon