________________________
SESSION 33 *Happy Birthday Guji*
[FRED]
It’s my time to shine!
Kanina finollow ko sya sa Intagram.
Kanina din nagdownload ako ng mga pictures nya. Ginawa ko pang wallpaper ang isa.
Kanina inadd ko sya as friend sa FB.
Kanina lang din inaccept nya ako.
Kani-kanina naman ako nagstalk sa timeline nya…
Name: Mean Ramirez
Birthday: January 24, 1996
Education: BS Accountancy at Censored University
Status: Single
S-i-n-g-l-e.
S I N G L E…!!!
Ayos deeeeeeen! Pwedeng pwede ko syang ligawan kahit kelan! Kahit bukas, kahit mamaya…
KAHIT NGAYON NA! Dadamoves na ako hangga’t maaga pa! >:D
Clinick ko yung pangalan nya at nagbukas ang chatbox.
Ano kayang pedeng sabihin…?
“Good eve, :)”
Mukhang GM na tinaype sa chatbox! *Backspace backspace*
“Kamusta ang kulot? :)”
Parang… ambading ata nyan. Parang nasa parlor lang! *Backspace backspace*
Hmmm… ( σ ’_ ’) ano kayang magandang approach…?
“Hi! Can you be my textmate?”
“Tara eyeball tayo,”
“Kamusta crush mo? :)”
At sa kakaisip ko ng sasabihin sa kanya…
O________O
NOOOOOOOOOO!!!!
Namatay yung ilaw na green sa chatbox!!!
NAGOFFLINE NA SYAAAAAAA!!!!
(__ __) ang saklap… hindi na ako makakatulog nito… foreveeeeeer!!!
Kinuha ko ang phone ko at tinitigan ang wallpaper kong si Mean…
“Kamusta crush mo?” sabi ko kay Mean, “Ayun, nag-offline na agad, huhu,”
![](https://img.wattpad.com/cover/3463895-288-k815752.jpg)
YOU ARE READING
She's the Boss! [PUBLISHED]
Teen Fiction[404 Teen Fiction] [COMPLETED&PUBLISHED in English Version] Once upon a time, a mango fell from above. She caught it. He jumped down. Eyes to eyes, they... hated each other at different time laps. Guji hated her at first sight. Maggie hated him at s...