TPM Session 4 *Wednesday is Hell Day*

4.5K 102 8
                                    

___________________________________

SESSION 4

[Maggie's POV]

"hoy. ano bang ginagawa mo?"

Silip.

Baba.

Silip.

Baba.

Silip.

"Eto ang tinatawag na... THE RISE OF THE FALLEN...sabayan mo ako para mabawasan yang 3-storey bilibil mo," sabi ko habang sumisilip sa bintana at bumaba upang magtago.

"aish. aga aga ang dami mong kalokohan. pumasok ka na nga. 6:10 na o."

"ano ba? sadya akong nagpapalate. mamaya makasabay ko na naman yung antipatikong hilaw na yun."

"Ha? sinasabi mo,"

"sheeesh! magkape ka na nga lang!"

6:10 na. 6:30 kami nagkasabay dati. so... i need to go na! kung patanghali sya kung pumasok, pwes, aagahan ko!

pagkalabas ko ng gate, may tumigil kagad na jeep sa tapat ko. ai swerte naman ng Wednesday ko. :'3

bago ko pa man maitapak ang right foot ko sa angkasan, may nauna na.

bah. shiny ang shoes ha. bagong kiwi o bagong bili?

pagtingin ko pataas...

O_______O

lunok.

ang swerte talaga ng Wednesday ko.

KANINA YUN.

ngayon sirang sira na.

"Kung tititigan mo lang ako ng ganyang kasama, mabuti pang sampalin kita."

"Ha? sampalin? ako?! ano ka bading?! nananampal?!!"

"Ineng tutoy! ano ga?! sasakay pa ga kayo diyan?!"

"SASAKAY PO!" sigaw ko. sigaw nya. nak ng tinapa. sabay pa kami o. asar.

"umuna ka na, miss tutor."

"sadya. alis dyan, bwisit." tinabig ko ang braso nyang nakahara sa daan ng reyna. di lang yun. sinipa ko pa sya sa binti nya.

dumiretso ako sa dulo kung san walang umupo. destined ata para sakin.

habang dire-diretso ako sa dulo...

THUD.

She's the Boss! [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon