STB Session 63 *Misunderstandings*

1.3K 44 4
  • Dedicated to YvanCantos
                                    

________________

SESSION 63

[NORMAL POV]

 

Abot-langit ang ngiti ni Maggie habang nakikichismis sa usapan nina Lyn at Yvan sa kwarto. Kinikilig nga sya ng bonggang-bongga sa naririnig nya kasi – FINALLY – nalaman na nya kung sinong gusto ni Yvan. Ewan ko ba dito sa babaeng ‘to. Nagkaron bigla ng short-term memory loss at nakalimutan lahat ng nangyari nung New Year. Nalasing ata? AGAD?

Umalis na si Maj at nakikain sa kusina. Malas nya lang kasi… may hindi sya narinig.

Ano ba yan Yvan! AMPANGET NG DELIVERY MO!” panuway ni Lyn kay Yvan na halos mamatay na roon. “Tatawanan ka lang non panigurado!

Look Lyn, ayoko na!” napasubsob na sya sa unan nya sa sobrang frustration. “Hayaan nalang naten ‘to. Mukha naman kasing gusto rin ni Maj si Guji.  Wala akong laban -

EH PANO BA NAMAN KASI ANG BAGAL MO! Kung hindi mo ba naman pinaandaran ng kayabangan yung si Maj nung una ka nyang nakita eh di sana OKAY KAYO.

Lyn, wag nalang kasi. May usapan kami ni Guji,

Eh nauna ka naman a.

At natigilan don si Yvan. Totoo. Sya ang naunang magmahal kay Maggie. BATA PA LANG. Naks! Haba ng hair!

Oo, sya yung sinusundan ni Yvan bata palang. Kaya nga kilala na sya ni Yvan bago pa sya makilala ni Maj.

Kung tutuusin… si Guji ang lumabag sa kasunduan nyo,” dagdag pa ni Lyn. “Di ba?

Kahit sinong nauna sa’min, magpaparaya ako,

Wow. Paraya. BIG WORD.

Ano kayang say nyo pag nalaman nyang MU na sina Guji at Maj? Sakit non sa part mo noh, Yvan?

*****

[GUJI]

Bakit ang daya?

 

Eto gift sakin ni Janella. ASTIG DI BA?!

Sige lang. Ipagmalaki mo pa yang Tshirt mo susunugin ko yan!

Klein: Limited edition kaya ‘to! JANELLA ROCKS!

Fred: Binigyan nga ako ni Boss Janella ng Jansport! Bago na bag ko guys!

Jason: Ako naman binigyan niya ng headphones. Astig!

 

Tapos bigla silang tumingin sakin. “EH IKAW?!

ABA?! GUSTO ATA MASAKTAN NG MGA ‘TO E! Lakas mang-asar!

HA! Nasa bahay ko na. HINDI KASI AKO MAYABANG.

Ah talaga? Ang sabi kasi sakin ni Janella, NAKALIMUTAN DAW NYA.” isa pa Klein susuntukin na talaga kita! NAKAKAASAR NA E!

She's the Boss! [PUBLISHED]Where stories live. Discover now