TPM Session 49 *Bagyong Via*

1.5K 49 2
                                    

_____________________

SESSION 49

 

[MAGGIE]

 

And I’m a helpless kiddo.

 

Nakatitig lang ako sa likod ni BD habang kinakausap sina Nikki sa bench. Nasa loob kami ng locker room kaya safe ako mula sa mga demonyita sa labas.

Sa mga mukha palang nilang lahat gusto na nilang manapak.

Habang ako, eto, pokerface.

Umupo naman sa harap ko si Yvan. Nilagay ko ang kamay ko sa ulo nya at sinabunutan sya. ANG AGA AGA NYO KASING DUMATING YVAN.

Sige lang Maj, sabunutan mo pa ako,” nakangiti nyang sabi sakin habang hawak ang kamay ko sa ulo. “Kung napaaga siguro si Ate Hana sa pagtawag samin siguro buhay ka pa,

Funny,

Binaba nya ang kamay ko at hinawakan yun ng parehong kamay. Yung kamay kong injured na nga, tinapakan pa.

Tumingin sya sa mga mata ko. At dahil may problema ako sa eye-to-eye contact umiwas kagad ako ng tingin.

Don’t stare straight into my eyes. Di mo alam nilalaslas mo ang kalamnan ko,

Haha, grabe ka. Di naman laser ang mata ko,” tumayo na sya at naglean forward. Siguro hinalkan nya ang tuktok ng ulo ko. Malas nya may balakubak ako. JOKE. Malinis anit ko a. “Hindi na makakalapit yung mga babaeng yun sayo, pangako,

Hoy babaeng hitad!

(>_<  #) Pakers tong si BD a. HINDI AKO HITAD!

Nagpaalam na sakin si Yvan. Lumapit naman sakin si BD na may dalang… suklay.

SAN NYA NAHUGOT YUNG SUKLAY?!

Anong klaseng tingin yan? Hiniram ko lang to oy!” umupo sya sa tabi ko. “I’ll do your hair,

ANO?! Ayoko nga!” pilit kong inagaw yung suklay kaso tinataas nya para di ko maabot. “Ano ba?! IBIGAY MO SAKIN YAN!

You can’t comb your hair kasi injured yang kanan mo. Kaliwete ka ba? Sa pagkakatanda ko kasi sa ating dalawa ako ang kaliwete,

It’s my hair so I’ll be the one to comb it,

Bat ba ang kulit mo?! Ako na nga sabi!” at dahil napakabrutal nyang bata, marahas nya akong nilapit sa kanya. Nakalimutan na ba nyang masakit ang katawan ko?! Makahila naman wagas!

Naramdaman ko na ang kamay nya sa buhok ko. Magaan ha. Pero bading. Ipagpagawa ko sya ng parlor e.

Ang haba ng buhok mo pagupit ka nga!

Idol ko si Rapunzel kaya wag kang magreklamo dyan!

Tss. Pag ako nakahawak ng gunting ako mismo maggugupit sayo,

At siniko ko ang binti nya. NAKAKAINIS E. “Subukan mo lang at paggising mo marami ng naputol sayo bukod sa mga daliri mo!

She's the Boss! [PUBLISHED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum