TPM Session 36 *Let's Get Sick Together*

1.7K 42 4
                                    

__________________

SEESSION 36 *Let’s get sick together*

 

Pede ba kitang maging girlfriend? Kahit isang araw lang?

 

Hindi lang isa, kundi dalawang beses ko ng narinig yang mga linyang yan. Worst, mula sa iisang tao. Nung una ko yang narinig, second year highschool palang ako at inlove na inlove ako sa taong yun.

Nainlove ako.

Nasaktan ako.

Bumalik sya.

Pinaasa ulit ako.

Paikut-ikot. Silent torture. Yun ang tawag ko dun.  Sa amin ni Ero Hernandez.

Yeah. Him. Stupid him. Stupid me.

Actually, ako lang ang nakakaalam ng lahat ng nangyayari sa aming dalawa. Tinago ko lahat lahat, at hindi man lang binanggit ang kahit ano kina Nikki.

Bakit?

Ang ayoko sa lahat… yung may nag-aalala sa akin.

2nd year highschool. 2nd quarter.

Dahil sa ako ang pinakamasipag na secretary ng klase, ako ang nag-accomplish ng groupings sa English project naming book report. Lecheng book report. =_=”

Pinagsunud-sunod ko ang lexile ng bawat isa at kung sino ang dalawang magkasunod sa listahan sila ang magkapartner.

(Lexile = reading comprehension level)

At swerte ko, kapartner ko si Ero.

At malas ko, inlove ako sa partner ko.

Pano naman kaya ako makakapagwork ng kasama sya?! THAT’S A HELL NO!

The next day, inapproach ko sya kung kaninong libro ang gagamitin namin. Sabi nya, yung akin nalang. Inkheart yung libro ko. Singkapal pa naman din ng talampakan ni Hulk yung libro. Masama pa nito, hindi ko pa sya natatapos. WALA PA NGA SA KALAHATI YUNG NABABASA KO EH!  Eh ayoko namang mapahiya sa kanya kaya pinilit kong tapusin yung libro that same night.

The hell with love. (=__=”)

The day after that, nagsimula na akong magdrawing sa illustration board, (syempre with him watching by my side,), nag-excuse na nga lang ako na masakit na ang kamay ko kaya hindi ko na tinuloy. I don’t want him watching me work, nakakapressure. Nakakahiya.

The hell with love. (=__=””)

And on the last day of work, naggugupit na kaming dalawa para sa jigsaw puzzle. Hindi naman talaga kami yung madaldal sa isa’t isa. Siguro dahil narin wala kaming pagkakapareho kaya wala kaming mapag-usapan.

Summer. Summer lang kami close. Summer lang kami nakakapag-usap ng matino sa texts. Pero sa totoo lang hindi talaga kasi kami close. At hindi kami close kasi nga nilalayo ko ang sarili ko sa kanya dahil inlove din sa kanya ang bestfriend ko.

Inlove sa kanya si Paola.

First year palang alam ko na ang feelings nya. Kaya first year palang, isinuko ko na ang lahat ng pangarap ko. Girl Code.

She's the Boss! [PUBLISHED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang