______________________
SESSION 71
[GUJI]
Malapit ng maputol ang pisi ko.
“Hi,”
Nanginginig na ang mga kamao ko sa magkabilang bulsa ko. Gusto ko syang suntukin ngayon na. Pero hindi ko ‘yon gagawin kasi ayaw ni Janella na nananakit ako ng tao.
“Guji – ”
“Si Janella?” simple kong sabi habang sinisilip ang loob. Bakit naman sila magkasama sa iisang bahay? Hindi ba sya marunong dumistansya kahit konti man lang? “Wag mo kong tingnan na para bang may karapatan ka sa kanya,”
“Bakit ka pumunta dito?” at sya pa ang may ganang magalit ngayon?!
“At bakit hindi? Girlfriend ko ‘yang kasama mo baka nakakalimutan mo,”
“Hindi mo alam ang ginagawa mo. Akin si Janella. Akin lang sya – ”
“WALANG SAYO, YVAN! AKIN LANG ANG GIRLFRIEND KOOOOO!” *PAK!* sabay sampal!
Kahit anong tindi ng pagkakasigaw ko non hindi pa sya natinag. ANO BANG PINAGLALABAN NYA HA?! Uupakan ko talaga ‘to pag hindi ako nakapagpigil e!
“Yvan, mahalaga ka sakin. Wag mo ‘kong subukan.”
Lalo pa nyang sinamaan ang tingin sa’kin. “She’s going to be gone before you know it. And it’s going to be because of you! ♪ Because of you, her life has changed ♪”
“Shut up bro.”
“Sweetie?!”
Napatingin ako sa likuran at nakita ko si Janella. Tsh. MUKHANG NAGAHASA E!
Tumingin kagad ako kay Yvan. Ano kayang ginawa nito sa girlfriend ko?! “Bakit kayo nasa iisang kwarto?”
“Alangang patulugin mo ‘ko sa labas –”
“Hoy Janella, galit ako sayo at inaaway kita. Pinapaalam ko lang sayo.”
“Inaaway mo ‘ko? ANONG GINAWA KO SAYO – uu.” natigilan ako bigla nung naduwal siya. At naduwal. At naduwal ulit. Pagkatapos ay nagtatakbo papunta sa CR.
Lalo lang sumama ang tingin ko kay Yvan. Sinuntok ko nga ang pintuang katabi nya lang. Kumukulo talaga ang dugo ko dito! “Hoy. Lalaki ako at lalaki ka. Alam kong alam mo ang iniisip ko. Hindi mo naman ako sinalisihan di ba?! HINDI BA?! Dalawang gabi lang ako nawala, dalawa lang yon, nakajackpot ka kagad?! NI HINDI KA MAN LANG NAGPAALAM SA’KIN NG…
Guji… pede bang pahiram ang girlfriend mo? Kahit isang gabi lang?
Yvan walang ganon! TRINAYDOR MO ‘KO!”
And he smirked. Hanep to a! “Sa susunod kasi wag mong aalisin ang tingin mo sa pagmamay-ari mo. Kasi the moment na mapalingat ka, wala ka ng babalikan.”
BINABASA MO ANG
She's the Boss! [PUBLISHED]
Teen Fiction[404 Teen Fiction] [COMPLETED&PUBLISHED in English Version] Once upon a time, a mango fell from above. She caught it. He jumped down. Eyes to eyes, they... hated each other at different time laps. Guji hated her at first sight. Maggie hated him at s...