Poem 25

171 21 1
                                    

"Bata pa"
By: -JEAEAN

Mabuhay sayo, aking kaibigan!
Tila ba'y hindi ka mawala sa aking isipan
Itong tula na gagawin ko ay para sayo
Gamitin mo ito para pagpalakasin ang loob mo.

Simula pa nung tayo'y mga bata,
Mahilig na tayo maglaro ng manika
Lagi tayong nasa labas para maglaro ng langit lupa,
Pero ikaw ang laging taya

Sanay ang mga biyas natin sa pagtakbo
Laging tumatakbo upang mahabol mo'ko
Kapag ako naman ang taya, ika'y tumakbo,
Dahil ako naman ang hahabol

Hampas ng walis sa likuran ay masakit,
Ngunit mapapawi ito kapag naglaro tayo ulit.
Binabawalan na maglaro sa labas dahil tayo ay madadapa,
Pero matigas ang ulo nating dalawa

Ngayo'y selpon at gadget na ang hawak,
Online games na ang pinagkakaguluhan
Pano ma e-exercise ang ating katawan?
Kung lagi tayong naka upo sa upuan?

Ang mga maliliit na bagay na natatandaan natin ngayon,
Gawin mong kayamanan ang mga iyon
Upang sa pagdating ng panahon,
Atin itong uulitin ng parang kahapon.

Kaibigan ko, lagi akong nandito
Magsabi ka sa akin kung ika'y problemado
Bubuksan ko ang aking tainga at makikinig sayo.
Handa akong tumulong hanggang sa makakaya ko

𝐑𝐇𝐘𝐌𝐄𝐒 𝐀𝐓 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon