Poem 42

127 5 0
                                    

"Mas matalas pa ang salita mo kaysa sa kutsilyo,"
By: -JEAEAN

Sa bawat tonong maririnig ko,
Hindi mawawala ang malakas ro'n.
Ang mga salitang binibigkas ng iyong labi ay walang kaalam-alam sa aking kalooban.
Mas matalas pa ang salita mo kaysa sa isang kutsilyo.

Sa bawat salitang lumalabas sa bibig mo,
Hindi ko matansya kung gaano ako malulungkot.
Na ang nararamdaman ko ay may kakaibang puot
Na mayroong namumuo sa kalooban ko.

Matagal na akong nagtitiis sa mundong ito.
Hindi ko na namalayan kung hanggang kailan ito matatapos.
Ang hangad ko lamang ay ang makapag-tapos.
At tuparin ang mga alituntunin ko dito.

Sa paglipas ng panahon,
Masakit man ay laging babangon,
Lalabanan ang bawat salitang bumaon.
Upang magkaroon ako ng lakas sa pang habang-buhay na panahon.

𝐑𝐇𝐘𝐌𝐄𝐒 𝐀𝐓 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon