Poem 30

137 18 0
                                    

"Aking Mahal,"
By: -JEAEAN

Sa mga araw na pilit kong gustuhin na makausap ka,
Hindi p'pwede dahil pinagbabawalan ka.
Nahuli tayong dalawa
Ng para bang naglalaro tayo ng langit at lupa

O, kay sarap namang isipin na lagi kang nandiyan sa aking tabi,
Ngunit sa bawat sulyap ko sa aking gilid wala ka,
Nawala ka.
Nawala tayo.

Tingin mo ba, hindi ako masasaktan?
'Kay tapang-tapang mo nga kapag sa labanan,
Pano pa kaya sa totohanan?
Alam naman natin sa isa't isa na may masasaktan.

Ang salitang hiwalay tayo ay walang kasiguraduhan ayon sayo,
Gustong ipagpaputloy ngunit ito'y masyadong malabo
Gawin mo na lamang akong isang memorya,
Isang memorya na ikinaliligaya

Ngayon ay tatanggalin ko na ang nakagapos sa atin,
Ibibitaw ko na ang mga kamay natin,
Paalam na aking kasintahan,
Hanggang sa muli, akin.

𝐑𝐇𝐘𝐌𝐄𝐒 𝐀𝐓 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon