Poem 39

120 13 0
                                    

"Hiwalay"
By: -JEAEAN

Una, hindi ko alam ang mga nararamdaman ko noon
Hindi ko alam kung pag-ibig pa ba iyon,
O sadyang paghanga lamang?

Nabulag ako sa pag-ibig na ipinadama mo,
Iniisip palagi kung anong ginagawa mo,
Kung ayos ka lang ba sa mga pinapagawa sayo?
Pero sa kabila nang mga pag-aalala ko, hindi na iyon mapapawi ng isang 'Ayos lang iyon,'

Walang salitang lumabas sa bibig ko,
Noong nabasa kong, "Maghiwalay na daw kayo,"
Walang interes at walang modo ang mukhang ibinigay ko,
Walang sagot sa taong nag sabi no'n

Pumayag akong makipag hiwalay sa iyo,
Kung iyon ang gusto mo,
Iyan narin ang gusto ko
Kahit saan ka, nando'n ako

Hindi sa hinahawakan ko pa ang lubid na ito,
Ibig sabihin ay gusto kong tayo pa,
Ibibitaw ko itong lubid upang malaman mo,
Gusto ko lang nang pahinga para sa atin.

Kahit anong sabihin nila sa akin,
Kahit anong payo man iyan,
Kahit ipaglaban kita,
Pipiliin ko ang gusto ng iyong magulang

Maligayang kaarawan nga pala sa iyo,
Ewan ko na kung anong tawag sayo.
Sana'y maging masaya ka sa pang habang buhay,
Dahil hangad mong lumigaya gaya ng iba

Kaya ako nandito, dahil gusto kong sabihing,
"Mahal kita ngunit tama na,"
Pasensya na, dahil hindi mapigilan ng sarili kong humanga sa iyo.
Alam ko ang mga ipinangako ko,

Sana'y maging totoo nga ang mga sinabi ko,
Pati narin ang sa iyo,
Maligayang kaarawan sa iyo,
Minamahal parin kita hanggang sa makakaya ko.

𝐑𝐇𝐘𝐌𝐄𝐒 𝐀𝐓 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon