Poem 43

121 9 0
                                    

Ikaw
Written by: -JEAEAN

Hapon nang kaharap ka sa gitna ng museo,
Habang ang mga oras ay sadyang tumatakbo,
Hindi ko namalayan na nahulog na pala ako sayo.
Na sa iyong tanging katangian, ay nabihag ako.

Tadhana ang siyang nagbigay daan upang mapalapit ako,
Hinding-hindi na ako magtataka,
Tunay at walang halong biro ang aking mga dinarama.
Na sa tuwing ang ating mga mata ay nag-uusap, nais nitong bigkasing sana'y mapalapit sayo.

Tuwing pinagmamasdan ang iyong imahe,
Nais kong mamangha sa aking nasisilayan.
Dahil hindi lamang sa panlabas na kaanyuan ang maganda,
Kundi sa loob mo na rin na siyang lalong pumukay ng aking kagustuhan.

Ngayong magka-hawak ang ating mga kamay,
Minimithi kong pasalamatan si tadhana na tayo'y pinagtagpo.
Kaya sa araw na ito, buong pusong nangangarap sa iyo,
Na sana'y makasama ka sa ating pag tanda at sa pang habang-buhay.

Malaking pasasalamat ang ibig kong sabihin,
Dahil sa presensya mong ibinibigay, nagiging kampante ang aking palagay.
Hindi bilang ang mga rason kung bakit nais kang maging parte ng aking buhay.
Sa mundong puno nang problema, tanging ikaw lamang ang nagbibigay solusyon sa lahat nang mayroon.

Mahal, huwag mong isipin na ika'y iiwan,
Nais kong mabura iyon sa iyong isip at maiwasan.
Dahil sa lumilipas na mga panahon,
Nakikita ko nang kasama ka sa aking kinabukasan.

Lagi mong tandaan na naririto lang ako kapag kailangan.
Hindi man maiwasan na mag-isip ng kung ano-ano,
Ngunit gusto kong malaman mo na hindi ako lilisan.
Dahil gusto ko pang makasama ka hanggang sa ating pag laki. 

Hindi man ako hasa sa pag sulat ng tula,
Ngunit susubukan ko paring humanap ng salita.
Dito muna magtatapos ang tulang ito na kahit walang tugma,
Gusto ko paring ipadama ang pagmamahal ko na hindi lang galing sa salita ngunit pati na rin sa gawa.
Maayong gabi, mahal ko.

🎉 Tapos mo nang basahin ang 𝐑𝐇𝐘𝐌𝐄𝐒 𝐀𝐓 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓 🎉
𝐑𝐇𝐘𝐌𝐄𝐒 𝐀𝐓 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon