Poem 41

111 5 0
                                    

"Nananatili sa puso ko"
By: -JEAEAN

O, kay tagal mo nang nananatili sa puso ko,
Hindi ko pa rin makayanang iwan ang 'tayo'
Sa bawat ligayang binigay mo,
Ang mga ngiti ko ang abot no'n.

Masarap pakinggan ang boses mo;
Ang mga mala-anghel mong tinig,
Iyon ay nag bigay tiyak na hindi mababago ang aking pag-ibig.
Hanggang ngayon, ikaw parin ang tinitibok ng puso ko.

Sa bawat ngiting lumalabas sa iyong labi,
Gusto kong matuwa dahil ako ang dahilan sa iyong ngiti.
Nasa kabila, ay gusto ko paring ipagpatuloy ang hangganan natin.
Ngunit ngayon ay mapayapa akong namamahinga magisa, na ikaw lamang ang iisipin.

Kay tagal kitang minahal,
Matagal kitang kilala,
Matagal ang ating pinagsamahan,
Ngunit ngayon ay wala na tayong ugnayan.

Masakit mang isipin na mayroon ka nang iba,
Subalit, mas ikinatutuwa ko kung makikita kang masaya.
Kahit hindi na ako ang rason ng iyong pag-tawa. 
Na ang nasa likod no'n ay iba na pala.

𝐑𝐇𝐘𝐌𝐄𝐒 𝐀𝐓 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon