Poem 16

241 22 0
                                    

"Matulog ka na"
By: -JEAEAN

Alm mo bang mahirap matulog?
Matulog na habang galit,
Matulog ng malingkot?
Hindi? 'Edi hindi ka pa nakakaranas ng sakit

Madaming salita sa mga pangungusap na aking ibubuo
Pero ang laman lang nito ay, pakiusap,
Pakiusap na dahil ayaw ko na
Pakiusap na dahil hindi ko na kaya.

Problemang dumadaloy sa aking isipan,
Hindi 'man lang ito mabura-bura, ito'y laging nanjan
Hindi natin ito maiiwasan
Lalo na pag mabigat itong palaisipan

Ano ang iyong suliranin?
Maari ko ba itong malaman?
Kung hindi 'man, akin itong igagalang
Kahit ramdam ko na wala akong pakinabang

Umaga, hapon, at gabi, ikaw ang laging nasa isip,
Ano bang nasa iyo ng hindi ka mawala sa aking utak?
Ikaw ba ay importante na kailangan kong matuklasan?
O di kaya ika'y isang tuliruhin?

Pwede bang ika'y mawala sa aking isipan?
Hindi ko na kayang magisip nang kung ano ano
Na aabot lamang sa walang magawang nilalang
Pupwede ba?

Pahigain mo ako sa aking malambot na kama,
Ako'y patulugin mo ng mahimbing
Aking problema ito'y itatabi,
Para lang ako'y may maayos na paginip
Pwede ba itong mangyari?

𝐑𝐇𝐘𝐌𝐄𝐒 𝐀𝐓 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon