MBFR : 3

585 151 153
                                    

EPISODE 3 : TOO FAT TO HANDLE

He precipitates me to shut my mouth as his narrow eyes widen, "Behave," he whispered.

The woman of ethnic ancestry walks towards us wearing her sweet as-candy smile. She looks classy and dashing even in her 50's, maintaining her equilibrium while striding; keeping her body in angles. The gleaming twin pearls in her ears made her overawing.

Tumikhim si Gab nang mapansin niya ang pagkatulala ko, "Hi Mom, this is--"

"Lauryn?" hindi na nito pinatapos ang lalaki at binaling ang buong atensyon sa'kin.

She looks at me in a way as if she knows me well. Her eye sparkles like a star in the night; her face is brilliant as the daylight.

Umawang ang bibig ko sa pagkabigla. I never met his mother in fifteen years, ang pagkakaalam ko ay nangibang bansa ito.

Napangiti ako sa naging reaksyon niya, "Hello po, tita, magandang hapon po," I acknowledge her.

"I've heard a lot about you," aniya bago tumingin kay Gab habang hindi nawawala ang mga ngiti sa labi dahilan para mapatingin ako sa lalaki.

Gabriele bowed his head gently, and wait--- was he blushing?

My eyebrows wrinkled, "Don't tell me may sinabi kang masama tungkol sa'kin!" masakit ang tinging ipinukol ko sa kaniya.

Napa-angat siya ng tingin, "Sinabi ko lang naman na h'wag kang papuntahin sa bahay at baka maubos ang bigas namin," saad nito na may mala-asong mata.

Praying to all Saints in heaven, give me patience, and help me overcome my difficulties.

Habaan niyo pa po ang pasensya ko sa lalaking 'to bago ko pa po ito masakal sa harap ng kaniyang sariling ina!

"He always talks about you," pagpapaliwanag ng ina ni Gabriele, kung wala lang siguro ang ina nito ay tiyak na nasabunutan ko na 'to, five minutes ago.

"Regardless, we should go ahead may appointment pa kasi ako. I'm just here to fetch Gabriele, gusto mo bang sumabay na lang? I'll drop you by," she offered.

Nakikita kong bumabawi siya pero parang hindi masaya si Gabrielle.

Sumimangot naman ang lalaki, "No, hindi kakasiya 'yan" reklamo ng mabait kong kaibigan bago maunang pumasok sa sasakyan.

"Hindi na po, magco-commute na lang po ako," umiling ako bago pandilatan ng mata ang demonyong nagme-make face sa may bintana ng kanilang sasakyan.

"Okay, I hope we could catch up soon," ngumiti ito bago tumalikod at tinungo ang driver's seat.

Kumaway muna ito sa'kin bago tuluyang lisanin ang lugar.

Napabuntong-hininga ako nang masilayang muli ang kagandahan ng langit. Mabigat ang paang humakbang ako.

Napagdesisyunan ko'ng maglakad-lakad na lang muna upang maibsan ang aking nararamdaman.

It's enormous, subtle, and it stings. I will presume maybe I was a terrible girl in my past life that's why I'm grieving life in the present.

Sinipa-sipa ko ang mga maliliit na batong nararaanan ko sa sementadong daan, may nagtataasang puno sa gilid niyon kaya ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin.

"Psssssssttt!" napatigil ako nang marinig iyon.

Alas-singko pa lang ng hapon kaya sure akong wala pang kapre ngayon!

"Pssssssssssstttt!" ani ng isang tinig na mas malakas kesa sa nauna kaya pinasadhan ko ng tingin ang paligid.

My world suddenly halts from fluctuating as I see a guy facing in my direction.

MY BIG FAT ROMANCE [under major revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon