MBFR : 13

263 50 76
                                    

EPISODE 13 : SOMETHING IN THE RAIN

Pareho kaming mababad habang humahagad sa ilalim ng bumubuhos na ulan. Animo'y mga batang nagtatampisaw, lamang lupa na nagbubunyi sa ilalim ng humihikbing alapaap. Puso ko'y umaapaw sa kaligayahan. Nilalasap ang bawat pagkayat ng anggi na tumutugma sa ritmo ng pagkumpas ng aking puso. Sa sandaling ito napag-alaman ko na sa bawat pagpatak ng butil ay ganun din ang hustong pagkahulog ng aking puso sa taong ngayon ay kasama.

Unprecedented, I became a fanatic of the downpour on this day. I like how it dribbles on my skin, I like how it splashes out on my dermis, I like how it hymns my heartbeat. The rain is just a bounty chapter of my adjective-beyond-comprehension romance.

I deem myself like a raindrop because no matter how many palls mashed it together, its force won't be sufficient to keep it from falling. The rain's arrival is unpredictable like an unexpected incident with someone who stole my heart.

We will never know who will make us fall in love, who will make us believe in love, who will make us feel loved, and who will make us see things differently from what we see them before. Sometimes, we merely need someone who will raise aloft our hefty clouds, who will stake the freight we are hauling, and someone who will give us lamps amidst our gloaming lanes.

Tinanaw ko ang lalaking parang batang nagtatampisaw sa ulan. Sinipa niya ang tubig ulan dahilan para tuluyang mabasa ang damit na suot ko. Naningkit naman ang mata ko sa ginawa niya kaya pumunta ako sa tapat na may parte ng maraming tubig at sinipa ko din ito patuwid sa direksyon niya. Tumawa lamang ito nang mas malutong pa sa chicharon habang pilit na iniiwasan ang tubig na patungo rito.

Naghabulan kami sa ilalim ng ulan, hinubad ko ang suot kong white tennis pati na rin ang aking medyas, pagkakita niya sa ginawa ko ay hindi rin siya nag-alangang hubarin ang Lacoste trainers niya. Ang malambot na dahon ng berdeng carabao grass ang banayad na humaplos sa aming mga paa. Nagmistula itong malambot na kama laban sa mabatong lupa mula sa ilalim.

"Ang mahuli mukhang tae!" aniya habang nakangisi na at inunahan na akong tumakbo patungo sa dulo ng malawak na damuhan.

Agad naman akong natauhan sa aking pantasya sa sinabi niya kaya humugot ako ng lakas upang habulin siya. Ngumisi ako nang mapantayan siya at makitang nakakunot ang kaniyang noo, "Mataba lang ako pero naging champion ako sa running nong grade school ako no!" sigaw ko habang pinapantayan sa pagtakbo namin.

---------

"Lauryn, tama na ang pa-iyak-iyak mo diyan at magsisimula na ang laro!" pilit akong pinapatahan ni mama habang pinupunasan ang luha kong masaganang umaagos.

Hindi pa talaga ako nakontento sa pag-iyak at mas lalo ko pa nilakasan ang pag-nguwa, gusto ko lang naman mag-pabili ng spaghetti na tig-sampong piso na hugis parihaba at nakasilid sa maliit na supot pero ayaw akong bilhan ni mama kasi daw mabigat sa tiyan, eh mabigat naman na talaga ako kahit walang laman ang tiyan ko!

"Oh siya, oo na bibilhan na kita pero pagkatapos na ng laro mo," hindi na alam ni mama kung ano ang gagawin upang mapatahan ako kaya isang malalim na buntong hininga na lang ang kaniyang pinakawalan.

"Gusto ko ngayon na," sagot ko sa kaniya habang hindi inaalis ang titig sa mapulang spaghetti na may maraming hotdog. Kulang na lang ay mag-laway ako na parang baliw na aso habang nakatingin doon.

Ngunit nang buksan ni mama ang bag upang kumuha ng pera ay siya rin'g pag-announce na mag-ready na ang mga contestant para sa running contest. Laglag ang dalawang balikat ko habang naglalakad papuntang starting line. Pinunasan ko ang aking mata gamit ang aking kamay. May konting sipon din na lumabas sa aking ilong dulot ng pag iyak ko kanina kaya pinahid ko na lang iyon sa aking damit dahil wala akong dalang panyo.

MY BIG FAT ROMANCE [under major revision]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt